Chapter 16

2 0 0
                                    

Sagot

Sumakay ako sa kaniyang motor matapos kong isara ang aming gate. Araw ng martes at pupunta kami ngayon sa kanilang bahay. His father invited me to go over his house dahil birthday nito ngayon. Alam nilang nanliligaw si Louis sa akin dahil pinaalam ni Louis sa kanila ang tungkol roon. Naalala ko pa ang eksaktong sinabi ng kaniyang mama sa akin.

"Grabe mangarap si Louis! Akalain mong pati ikaw pilit sinusungkit!" hindi makapaniwalang sabi ng kaniyang ina sa akin. Alam kong may halong biro iyon.

"Marami bang tao ang naroon?" kumapit ako sa kaniyang bewang noong iniliko niya ang kaniyang motor.

Biglaang humarurot ang motor kaya pinalo ko ang kaniyang balikat. "Slow down!" inis kong wika sa kaniya.

Tumawa siya bago agarang ginawa ang nais ko. "Mga kaibigan lang naman ni papa ang bisita. Nasa labas sila at nag-iinuman kaya doon tayo sa loob."

Hindi ako nagsalita agad kaya binaling niya kaunti ang kaniyang ulo sa likod. "Sana sinama mo kapatid mo. Walang kalaro si Elme e."

Tiningnan ko siya. "Tulog si JD at RV."

"Sayang." niliko niya ang motor sa may maliit na kalsada papasok sa kanila. Maya maya pa ay unti unti na nitong ipinasok sa bakuran ang motor. Bumungad sa amin ang papa niya at ang mga bisita nito na nagkakantahan sa may lilim ng punong mangga.

Kasalukuyang pinapasa ng kaniyang ama ang baso na sa tingin ko'y may lamang alak sa bisita nitong katapat niya. Bumaba kami sa motor at lumapit na roon.

"Happy Birthday po, tito!" bati ko sabay abot sa regalo. Nakitaan ko ng gulat ang ama ni Louis at napatingin sa akin.

"Salamat! Kumain kayo!" yaya nito sabay turo sa loob kung saan ang mga handa. Inutusan niya ang anak na pumasok na at bigyan ako ng pagkain. Maliit akong ngumiti sa mga naroroon.

Naghiwayan ang mga bisita na puros lalaki nang tumugtog ang unang nota sa kaniyang luma na at medyo pamilyar. Pati si tito ay napahalakhak na rin.

Papasok na sana kami nang biglang may nagpasa sa kaniya ng mic. Nagulat ito at agarang hinawakan iyon gamit ang libreng kamay.

"Kanta ka muna, Louis!"

"Ha?" gulat nitong saad. Nagsimula na ang kanta. "Si Olive ay aking sinubmarin pero siya'y bitin parin, siya'y bitin parin~"

Nanlaki ang mata ko dahil sa meaning ng lyrics. "What the fuck?" hindi ko napigilang bulalas.

Mukhang wala siya sa sariling kinanta iyon ngunit noong nasa kalagitnaa'y napamura na siya. "Hoy, kadiri!" kaagad niyang pinasa pabalik ang mic sa nagbigay. "Baboy!"

Nagtawanan ang mga naroroon. Lumabas din sa pintuan ang iilang bisita na nasa loob at napahalakhak sa naging reaksyon ng katabi ko.

Ang sagwa! Naalala ko si Olive na kaniyang ex. Napailing nalang ako.

Mabilis niya akong hinila palayo sa mga nagtatawanan. Sinalubong kami ni tita sa hamba ng pintuan. Sumulyap pa muna siya sa aming likod bago napailing. "Louis, anong kanta 'yon?" dismayadong tanong ng kanyang mama.

"Ma, bigla na lang pinasa 'yong mic!" inis niyang sabi.

Pabirong kukurutin ni tita ang kaniyang patilya kaya awtumatikong iniwas niya ang ulo. Binaba ng kaniyang ina ang kamay saka ako binalingan. "Magandang tanghali po, tita!" nagmano ako.

"Magandang tanghali rin! Halika kumain ka sa loob." ani tita sabay hila sa akin sa loob. Naramdaman ko ang pagsunod ni Louis sa akin.

Dinala niya ako sa may lamesa na punong puno ng pagkain. May isang parihabang cake ang naroon sa may pinakagitna. Nakaelevate iyon at sa baba ay ang iba't ibang klase ng putahe.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon