Titig
Panay ang daldal ng kapatid ko habang nasa kalagitnaan pa ng flight. Halos hindi ako makatulog dahil panay ang pakikipag-usap nito sa akin. Noong malapit nang makarating, doon naman siya natulog. I don't want to wake him up that I carried him in my arms on my way out to airport. As usual, si manong ang nagsundo sa akin. Kaagad itong lumapit nang makitang may karga akong natutulog na bata.
Kaagad nitong binuksan ang compartment para doon ilagay ang malaking maleta ni RV. Pumasok na ako sa loob ng back seat at doon inayos anh pagkakatulog ng kapatid ko.
Pinunasan ko ang pawisan niyang likod pero hinahawi nito ang aking kamay kahit nakapikit naman ang mata. "RV, I need to wipe your sweats."
Pumasok si manong sa driver seat at nagmaneho na pauwi ng bahay. "Ang laki na pala ng bunso nila Sir Reymar. Hindi ba sila magbabakasyon rito, Ma'am Lane?"
Sinulyapan ko siya sa unahan. "Sa susunod pa, manong."
Inayos ko ang neck pillow na nasa aking kapatid. Pinahiga ko ito sa tabi ko. Nakatulog ako sa buong byahe pauwi ng bahay. Nagigising lang dahil baka gising narin ang kapatid ko. Good thing he's asleep the whole trip.
Nagtitipa ako ng mensahe habang kumakain ng biscuit na baon para sa kapatid ko.
Me:
Bumalik na ako.
Natigil ako sa pagnguya at sandaling tinitigan ang mensahe ko sa kaniya. Sa isang araw pa ang uwi nilang pamilya kaya nagkasalisi talaga kami.
Jandrei:
I'm sorry, Lane. My family's been enjoying our stay here.
Me:
Yeah, that's okay.
I don't want to be a clingy girlfriend. That's not even my thing. But this situation is kinda made me feel something. Ayaw kong magtampo dahil minsan lang naman silang magbonding ng kaniyang pamilya. And besides, nagkita na naman kami noong binisita niya ako. Baka hindi lang rin ako sanay na hindi kami magkita tuwing bakasyon.
Love. Bigla na lang kumabog ang dibdib ko. I immediately scrolled up to see his recent message. Nangatal ang kamay at halos mahulog ang kinakain nang mabasa ko na ang nilalaman. Ang nakaawang na bibig ay naging tikom at halos ayaw nang umiwas ang mata ko roon.
I'm sorry, love. Babawi ako pagbalik. Damn it, I missed you so much.
Mali ako, right? Mali ang mga ideyang pumapasok sa isip ko? He can't do this to me. Nasa bakasyon siya ngayon eith his family. He just can't do this.
No. I trust him. Mga maling ideya lang itong nasa isip ko. But..he never call me love. Endearments wasn't in our vocabulary. That's not our thing. But, maybe he just wants to call me by that? Iyon nga. I shouldn't doubt him.
"Di?" binaba ko kaagad ang cellphone sa lap at inalalayan si RV sa pag-upo mula sa pagkakahiga nito. Napasulyap si manong sa amin.
Papikit-pikit pa ito at kinukusot ang kaniyang mata. He yawned and I know he still needs some nap. Tumama ang paningin niya kay manong at bahagyang nangunot ang noo.
"Are we still inside the airplane, Di?" nakatingin parin ito kay manong. Nang mapansin nitong umiling ako, binaling niya ang kaniyang ulo sa akin.
"You fell asleep, Vickeens. I carried you to our way out of airport."
Bumaba ang tingin niya sa kaniyang water bottle bago niya ito inabot. Nahirapan siyang buksan ito dahil wala pang lakas mula sa pagkakagising kaya tinulungan ko ito. Pinunasan ko ang gilid ng kaniyang labi pati ang baba pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Drowned In Something Profound
Lãng mạnHindi naman talaga isang probinsyana si Lane. Ngunit dahil gusto ng magulang nito na samahan ang kanyang lolo't lola ay wala siyang nagawa kundi doon nalang mag-aral. Iniwan niya ang kanyang mga kapatid sa Maynila pati na rin ang kanyang nobyo. Ayo...