Chapter 15

2 0 0
                                    

Ligaw

I keep on thinking how simple this courtship could be. Sa nakaraang relasyon namin ni Jandrei, palaging nasa restaurant ang date namin kahit noong nanliligaw pa siya. Minsa'y sa amusement park at mall which is masyadong common na para sa mga nanliligaw.

Pero ang paraan ng panliligaw ni Louis, sobrang simple pero damang dama ko. May mga plano na siya kahit hindi pa kami nagkikita. I like it. Bago sila saakin.

Malayo ang mall dito lalo na ang amusement park kaya siguro ganoon. But still.. Ibang iba parin talaga ang dating ng panliligaw niya.

Nag pop-up ang message ni Louis sa kalagitnaan ng panunuod namin ng movie. Bahagyang nakasandal ang katawan ko sa unan na nasa hita ni JD habang si RV namin ay nakaunan sa may gilid ng hita ko rin.

Medyo umayos ako ng posisyon.

Louis:
Tulog ka na?

Ako:
Hindi pa. We're still watching movie on Netflix.

Inilapag ko ang cellphone sa aking tiyan at nanuod muli nang tumunog na naman ito. Agaran ko itong inangat.

Louis:
Anong movie? Kayong lahat?

Ako:
Nope. Si lolo at lola ay nagpapahinga na.

Louis:
Ah, ako rin nanunuod sa laptop. Ibang palabas nga lang hehe.

Tumalim ang tingin ko dahil nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. It's 10 o clock in the evening at kung ano ano ng palabas ang pinapanuod.

Ako:
Disgusting shit.

Kaagad itong nakareply.

Louis:
Hoy, grabe! Wala pa nga akong sinasabi. Kung ano ano ng nasa isip mo.

Napairap ako. Halata naman kahit anong sabihin niya. O mali lang talaga ako? Whatever it is, I'm not interested.

Ako:
Sa 'hehe' mo pa lang alam ko na. I bet it is R-18 you are watching.

Mahina akong napatawa sa naging reply niya. Tama nga ako sa hula. Dine-deny pa niya.

Louis:
365 days lang naman.

Napailing na ako.

Ako:
Oh, Massimo and Laura's sex story.

Louis:
Yes, baby girl.

Ugh. This man!

"Is it your guy friend, ate? 'Yong kumain rito noong nakaraan?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ng kapatid ko. Nilingon ko kaagad siya at sinamaan ng tingin. Nakabaon ang kaniyang likod sa sandalan ng couch.

"JD! You read our conversation?!" tumaas ang boses ko na kaagad kong pinagsisihan dahil nagulat ang bunso kong kapatid.

"Ano yan?" si papa na naisturbo rin sa panunuod. Hindi ko sila pinansin at nakatingin parin kay JD. Nanliit ang mata ko sa kaniya. Inis akong inirapan nito.

"I'm not! Nasa line of vision ko ang cellphone mo. Imbes na manuod ay iyan ang nakikita ko. What do you expect, ate? Ako pa mag-aadjust?"

What?!

"So, Louis is your guy friend right?"

"JD, you nosy kid!"

Mas lalo itong nainis din sa akin. "I told you-Mama! I think Dei has a suitor!"

"You idiot!" tinuro ko siya sa inis ko.

"O, tigilan niyo na 'yan. Manuod na lang kayo." si papa na iniaawat kami. Nag-irapan kaming dalawa ng kapatid ko. Ba't ang sungit nito kahit bata pa?

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon