Chapter 3

4 1 0
                                    

Landi

Umalis kaagad ako roon na iniwan sila Rica na kantyaw parin ng kantiyaw.

"Kaya ayaw ko dito. Ayaw ko sa mga probinsyano." reklamo ko sa aking sarili.

"Hoy!" kalabit ni Ella sa akin. Sinulyapan ko siya at kita ko ang pagkakaaliw niya sa nangyari kanina. Mas lalo lang nablanko ang mukha ko.

"Kailangan mang-iwan?" wika ngayon ni Rica.

"We need to go back." diniinan ko ang pagkakasabi. "I'm hungry." iyon ang naging alibi ko. Naalal ko rin kasi ang isang hindi pa nabubuksan na Vcut na nasa bahay.

Maya't maya kong naririnig ang tawa ni Nicole sa aking gilid. I gave her a cold look. "Will you stop?"

Hindi siya natinag sa saway ko. Tawa parin ito ng tawa kaya malamig ko na lang tinitigan ang dinaraanan.

"Lintik! Adik talaga iyong si Louis. Grabe din talaga 'yon. Ang tagal na ah..." nakuha ang una niyang binanggit pero iyong bandang huli ay hindi na. Hindi ko na lang tinanong dahil wala naman akong pakialam. Hindi iyon sakop ng paki ko kaya...

"Do you know him, Lane? Si Louis?" tinagilid niya ang ulo para makita ang reaksyon ko.

"Hindi."

Napahagikhik na naman ito. "Bakit naman? Kapitbahay mo lang iyon a."

"Hindi ko alam na magkapitbahay kami."

Nakita ko ang kaniyang pagtango na sinamahan pa ng ngisi nilang tatlo. Nag-usap sila tungkol doon at panay rin ang asar. Magtatanong pa sana ulit si Nicole pero sinaway ko na siya.

"Will you stop asking me about him? Can you see, hindi ko siya kilala!" binilisan ko na lang ang lakad.

Sumapit ang gabi at sabay sabay kaming lahat na kumain sa hapag. Maingay dahil nagkukwentuhan kami kasama na sila lola na natutuwa dahil may ibang kasama sa pag kain maliban sa amin.

Mas lalong umingay ng maglabas si Manang ng panghimagas. Umuusok pa sa lamig ang ice cream na kakabunot lang sa fridge.

"Ang saya naman ni Lane dito, lola. Hindi nauubusan ng pagkain." ang sabi ni Rica matapos niyang buksan lahat ng cabinet sa taas. Nandoon nakalagay ang iba't ibang klaseng pagkain simula sa cereals, chips, biscuits at kung ano ano pang nakalagay roon.

Umiling si Lolo at natawa. "Hindi ang apo ko mismo ang uubos niyan. Kung nandito ang mga kapatid niya ay paniguradong ubos na lahat ang mga nakalagay diyan."

"Hindi po ba sila magbabakasyon dito?"

Ang mata ni lolo ay nasa akin na. "Walang sinabi. Hindi mo ba niyaya na magbakasyon man lang dito, apo?"

Nagpatuloy ako sa pagkain ng ice cream sa maliit na bowl. "Walang sinabi, 'lo. Malabo dahil may pasok na si Jei Dale."

Pinag-usapan nila kaagad ang kapatid ko. Dati na nilang kilala pa si Jei Dale noong nagpunta sila mama rito. Kilala niya sila pero medyo iwas si Jei sa mga ito.

"Masungit parin ba iyon, Lane?" si Ella na nasa akin ang tingin.

I shrugged off. "Ganoon parin gaya ng dati."

"Kasing sungit mo parin?" segunda naman ni Rica at nagtawanan sila pati na si lola. Kinunot ko lang ang aking noo bilang tugon.

Si lola na ang sumagot noon na panay rin ang tawa sa narinig. "Nagmana sa kaniyang ate. Hindi mahilig makihalubilo sa ibang tao pero daig pa ang magulang sa tuwing silang magkakapatid na ang nagsama. Naku! Buti na lang at itong bunsong apo ko, kahit papaano, ay marunong makihalubilo." si RV ang tinutukoy niya. Para itong may iniimagine habang sinasabi ang huli.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon