Kaibigan
Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ni Louis ngayon. Panay ang pagkagat niya sa kaniyang labi para pigilan ang pagngiti. Nababaliw na siya.
Nagpatuloy ako sa pagja-jot down ng mga isinusulat ni prof Mazda sa board. Pero hindi ko talaga maiwasang hindi ako mapalingon sa gawi nito. Hindi lang ako ang nawi-weirduhan sa kanya. Pati ang mga katabi niya ay napapalingon na rin rito. He still has that annoying smile on his face, though. Ang sarap salpakan ng papel ang bibig.
Sa katunayan, wala akong pakialam sa kaniya. Ni-corcern ay wala ni isa. Hindi ko lang talaga mapigilan ang maging kuryuso dahil sa kabangagan nito. I wonder what he has eaten earlier in the morning.
"Hoy, bro! Ayos ka lang? Laki ng ngiti mo, a?" si Felix na bumubulong para hindi marinig ng prof na nasa harap.
Napa-angat muli ako ng tingin sa banda nila. Nahagip ko ang pagngisi ni Louis.
Umiiling si Felix rito. Maging ako ay gisto ko rin iyong gawin pero naalala ko, wala pala akong pakialam rito. "Gago! Iba na 'yan!"
"Wag ka nga, Felix! Masaya ako dahil pinapansin na ako ng hinahangaan ko."
"Gago, akala ko talaga kung ano na! Sino ba yan?" nagkatinginan kami saglit ni prof Mazda noong napalingon siya sa amin. Siguro ay narinig ang bahagyang ingay. Naantala ang usapan nila Felix. Nang tumahimik ang lahat ay humarap muli siya sa pisara. "Sino?" mas mahinang bulong ni Felix ngayon.
Hindi ko alam kung sino ang itinuro ni Louis at wala akong pakialam. Seriously, I need to get a life. Mahuli sana sila ni prof.
"Huh?! Seryoso?! E, ang sungit niyan, bro!"
"Ayos lang."
"Sigurado ka sa mga sinasabi mo? Kilala ko yan kasi naging magkaklase kami! Sobrang sungit talaga. Para sa akin, a."
"Wag mong siraan, p're. Atsaka, ako ang may gusto, hindi ikaw."
Napalingon ako sa aking katabi dahil padabog nitong sinarado ang notebook matapos nitong magsulat. Sumulyap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. I know her. Naging kaklase noong senior high at may pagkamasungit ito. Iyon ang sabi sabi.
"Masungit kaya walang boyfriend."
"Mas mabuti 'yon." nakarinig ako ng halakhak. Umirap sa akin si Olive at padabog na sumandal sa likod ng inuupuan. Tumaas ang kanang kilay ko sa kaniya at tahimik na ipinasada ang tingin mula ulo hanggang paa saka ko binaling ang tingin sa harap. Hindi bagay sa kaniya.
Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat para makatapos na.
Nasa labas na ako ng gate at nakatayo. Kaliwa't kanan ang pagdaan ng mga estudyante sa harapan ko. Alam kong hindi makakasundo si manong dahil nasa ospital pa ito't nagbabantay sa kaniyang anak. Tumigil lang ako sa may gilid ng gate at aalis na rin naman maya-maya.
To Jandrei:
Magko-commute.
Reply ko sa kaniya ng tanungin niya ako sa text kung ano ang sasakyan ko pag-uwi ngayong hindi ako masusundo ni manong. Binaba ko ang kamay kung saan ako nakahawak sa cellphone at pinasadahan ng tingin ang buong paligid.
Hinawi ko ang buhok na bahagyang nakaharang sa aking mata at nilagay ito sa likod. Humugot ako ng malalim na paghinga saka nagsimula ng maglakad papuntang highway.
My lolo insisted that he will be the one to fetch me here. Marunong naman siyang magmaneho ng sasakyan. Pero hindi na namin pinapayagan dahil may driver na naman kami. Tumutol ako sa kaniya kanina, ang sabi ko ay kaya ko naman magko-commute na lang.
BINABASA MO ANG
Drowned In Something Profound
DragosteHindi naman talaga isang probinsyana si Lane. Ngunit dahil gusto ng magulang nito na samahan ang kanyang lolo't lola ay wala siyang nagawa kundi doon nalang mag-aral. Iniwan niya ang kanyang mga kapatid sa Maynila pati na rin ang kanyang nobyo. Ayo...