Chapter 11

2 0 0
                                    

Kaharap

"Can you stop it?!" irita kong sabi kay RV. Mahigit labing limang minuto na itong naglalaro ng tubig sa banyo. Iniwan ko ito dahil ang sbai niya sa akin ay kaya niya ng liguan ang sarili niya. Naghanda lang ako ng maisusuot nang pagbalik, naglalaro pa pala. Nababad ang sabon niya sa timba, umaapaw na ang tubig roon dahil sa patuloy na pag-agos ng tubig mula sa gripo. Puno ng bula ang kaniyang buhok sa shampoo.

"Di, I wanna play!"

"You had enough time of that!"

Sinimangutan na ako nito. Huminga ako ng malalim at pumasok sa banyo kaya nagsisigaw ito. "RV! Stop giving me headaches or else I bring you back to Manila myself!"

"No!" malakas na atungal nito. "Out, Di! Out!"

Hindi ako nakinig. Kinuha ko mula sa pagkakababad ang sabon at nilagay sa lagayan nito. "Di!"

Nagtitimpi akong hindi mainis sa bunsong kapatid. Kailangan ko pang mamili ng mga groceries namin. Sila manang na sana ang gagawa noon pero gusto ni lolo na ako na para hindi na ako laging nagmumukmok sa kwarto.

Ayaw ko sana pero nagpumilit si lolo. Atsaka, iginiit niya pang dapat hindi laging nasa bahay lang si Vickeens.

"Di! Labas!"

Hindi ko siya pinapansin at binuhusan ng isang tabong tubig bago sabunan ang katawan niya. Sobrang likot niya na nababasa na ang damit ko. Good thing I haven't taken a bath yet. Pinauna ko na muna ito bago ako.

"Shower!" sabay turo niya sa ibabaw lang namin. Umiling ako.

"Huh, Di?! Shower..want!"

"Stop wailing! Pinapainit mo ulo ko ha!"

"But I want shower!" mabilis ko siyang binuhusan ng tubig at panay naman ito punas sa kaniyang mukha.

Pinalibot ko ang kaniyang kulay asul na tuwalya sa katawan niya at lumabas na kami habang buhat buhat ko ito. Nanunuod ng palabas sila lola sa sala habang dire-diretso kaming pumanhik sa taas.

Ibinaba ko siya sa pangalawang palapag at dali-dali itong lumayo sa akin. Nahhihirapan pang tumakbo dahil natatapakan na nito ang tuwalya. Sumalampak kaagad ito at nanuod ng palabas sa tv. "Vickeens, you need to get dress first."

"Maya.." tumulo mula ka dulo ng kaniyang buhok ang butil ng tubig at dumaloy sa katawan niya.

"RV!" ngunit hindi niya na ako pinansin. Huminga nalang muli ako ng malalim at kinuha na ang tuwalya. Bumaba muli ako para maligo. It doesn't took long to finished. Pinulupot ko ang tuwalya saka lumabas na ng banyo.

"Louis is upstairs, apo." sabi ni lola sabay pasada sa aking kabuuan. Great! At nakatapis lang ako ng tuwalya rito. I didn't bring my clothes with dahil mabilis lang naman ako. Hindi ko lang aakalain na maaga itong pupunta.

Pumanhik ako sa taas at nakita ko nabungaran ko kaagad si Louis na sinamahang manuod ng pambatang palabas ang kapatid ko. Naka indian sit siya at nasa espasyo sa pagitan ng kaniyang hita nakaupo ang kapatid ko.

Hindi ko pinansin ang pagkagat niya ng labi at ang bahagyang pamumula ng kaniyang pisngi nang nakita niya ako.

"You arrived early." puna ko kaagad sa kaniya.

Hindi na muna ako dumiretso sa kwarto dahil kailangan ko pang kunin ang kapatid ko sa kaniya. Nakabalot pa ito ng kanyang tuwalya ngunit kailangan na naming magbihis.

Ngumuso si Louis nang mahagip niya ang cleavage ko. Duh! Napairap na lang ako at kinuha na si RV mula sa kaniya. Mabuti na lang at nagpakarga ito sa akin.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon