Chapter 2

5 1 0
                                    

Taray

"Nakauwi ka na?" tanong ng nasa kabilang linya. Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa sofa bed at piniling magpunta sa balcony. Sumalubong sa akin ang mainit na hangin ng tanghaling tapat.

"Noong nakaraang araw lang.." malamig kong sagot kay Nicole. Ngayon lang kami nagkausap simula noong dumating ako rito. At parang hindi pa yata nila alam na nakabalik na ako.

Sa kanilang tatlo, si Nicole lang itong taga bayan sa tatlong kaibigan ko. Si Rica at Ella ay parehong sa susunod pa na bayan nakatira kaya pareho rin silang magdodorm ngayong pasukan sa syudad sa timog. Ngunit hindi ko naman yata makakasama pa bawat araw, gaya noon, si Nicole dahil sa kabilang bayan naman siya mag-aaral. Aniya kasi ay mas maganda roon.

"Pasalubong ko?" tunawa ito sa linya.

Inikot ko ang aking mga mata. Bakit ba ganiyan ang laging linya sa tuwing may galing Maynila o hindi kaya ay balik-bayan?

"Anong gusto mong pasalubong? Polusyon ng Maynila?" I rolled my eyes once again.

"Sungit! Kaya kami lang kaibigan mo e! Kami lang kasi ang nakakaintindi sa ugali mo!" ba't nasama ang attitude ko rito?

"I don't need many friends. I'm contented with you three. It's better than to have a bunch of friends secretly stabbing you from the back.."

"Nga naman.." tumawa muli ito sa kabilang linya. Silang tatlo ay maiingay na tao. Tuwing magkasama kami ay hindi nawawala ang tawanan at kung ano ano pang kaingayan. Pero kung anong ikinaingay ng tatlo ay siya namang pagiging tahimik ko. But not always. May mga araw kasi na gusto kong manahimik at may mga araw na nakikisama ako sa kanila. I am the cold type..the silent.

Sinundan ko ng tingin ang isang tricycle na papuntang bayan habang nakaupo sa barandilya ng balkonahe. Naputol lang ng hindi ko na iyon matanaw.

"Kailan tayo magkikita kita? Malapit na ang pasukan." dagdag pa nito. Sa sinabi niya ay napaisip kaagad ako. Sa makalawang linggo na ang pasukan namin. Hindi katulad sa unibersidad na sa agusto pa ang klase namin. Ngayong hunyo talaga iyon dahil hindi naman kami nag-aaral sa isang malaking paaralan. Tama lang iyon para sa isang maliit na bayan.

"Magplano kayo tapos sabihin niyo sa akin pagkatapos.." nakatanaw na ako sa malayong harap.

"Hindi na. Sabihin ko na lang sa kanila na pupunta kami diyan sa inyo. Hindi naman tatanggi 'yong dalawang iyon. So call?"

Tumango ako. Nilagay ko ang ilang takas ng buhok sa aking kanang tainga, "Okay.."

Nagpaalam na siya na ibababa na ang tawag para ipaalam sa dalawa pang kaibigan ang plano. Pinigil ko kaagad siya ng may naalala. "Ano?"

"Please buy some fries. Iyong isang balot, a. And some potato chips too."

"Adik sa patatas.." utas pa nito. Nope. Hindi ako adik sa patatas. Gusto ko lang iyong fries at mga potato chips. Pero kung usapang ulam na like caldereta, hindi ko kinakain ang patatas noon. I dislike it's taste.

Namataan ako ng isang pamilyar na mukha sa balkonahe. Nagmamaneho ito ng motor at nakuha pang mag-angat ng tingin sa banda ko. Saglit lang iyon dahil mabilis ang andar ngunit bago siya mawala ay nakita ko na namang ngumisi siya. What's wrong with that guy? Nakahithit ba iyon?

Oh well. Wala akong pakialam sa kaniya. He's just like any other man that kulang sa pansin.

Ang sabi ni Nicole sa akin ay ngayon daw ang kanilang punta rito. Ang dalawa ko pang kaibigan ay parating na sa kanilang bahay para daanan siya bago magpunta rito. Magco-commute sila dahil ayaw nilang magpasundo kay manong. Ayos lang naman dahil iyon ang kanilang gusto.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon