Chapter 27

51.6K 1.1K 52
                                    

Date uploaded : 2-6-15

AN

Hello sa mga friends ni Ben.. sina janice regalado, rose jallorina, ariel marcasote, edz tupaz... thanks sa pagbabasa nyo ng FU... IYLK Etc etc.. basahin nyo din lahat ng stories ko a! Bili din kayo ng mga books ko.. hehehehehe.... para naman ganahan pa akong magsulat nyan.. hahahaha! demanding much? minsan lang naman diba? hehehehehe...

Anyways... magiging super bagal ng updates ng FU dahil uunahin kong matapos ang KIM, Which is, dapat nyo ding basahin pag natapos ko na. hehehehe. so sa mga nag-aabang... mag-abang lang kayo.... BZ BZhan din ang lola nyo, kaya wag muna mag-expect.. ang promise ko lang, isisngit singit ko ang pagsusulat ko. I'll try my best to update. Kung fulltime writer lang ako, expect more.. pero... sorry, hindi ako fulltime na manunulat.... kaya... abang abang na lang...

Chapter 27

Red

"Ang sakit sa ulo!!!!! Ano ba namang klaseng mga klase ito!"

Inuumpog-umpog ko yung ulo ko sa dingding ng cabin namin. Pareho kaming nasa salas ni Zia at parehong gabundok ang mga research and assignments namin.

"FIRST DAY OF SCHOOL TAPOS GANITO?"

Ano na lang ang magiging itsura namin kapag finals na? Baka magmukha na akong zombie nito?

"Parang mabibiyak ang bumbunan ko! Naman! Ano ba talagang klaseng eskwelahan ito! Ang nakakainis pa, iyang si Dok Alak ang pinakamahigpit sa lahat! Hoy Zia, pagsabihan mo nga yon!"

Napatingin sa akin si Zia.

"Anong kinalaman ko dyan? Hindi ko nga prof si Dok."

"Malakas ka don, promise. Pagsasabihan mo lang naman na hinay-hinay lang sa pagtuturo. Para naman kasi boong sem na yung ipinasok nya sa kukote namin kanina!"

Natawa si Zia. Alas tres tapos na lahat ng klase namin, pero naman! Ala-sais na hindi pa din ako tapos sa mga assignments ko!

"Masasanay ka din. Sa umpisa lang naman mahirap. But you'll get use to it, eventually."

Lumapit sya sa akin.

"Let me teach you some tricks. Para mapabilis iyang pag-gawa mo ng assignments mo."

Kinuha nya yung libro na binabasa ko.

"You don't have to read it word for word. Scan the whole page, then get the key words, then get some cross referrence from the net." Kinuha nya yung tablet ko at binuksan yung google. "Makikita mo na mas madaling maintindihan yan. Kung minsan kasi mas lalong nakakalito ang mga nakasulat sa mga libro. Especially kapag binabasa mo ng diretso."

Tumayo na sya at binalikan ang ginagawa nya.

"Para namang mas nakakalito yon."

"Try mo lang. Kung mas lalo kang nalito, you can always go back to your old method."

"O sige na nga. Hindi naman ako mamamatay kapag sinubukan ko."

Sa umpisa, parang mas lalo akong nalito sa tinuro ni Z, pero nung nagamay ko na, mabilis pa sa tren ang usad ng gawa ko. At ang pinakaimportante, naiintindihan ko!

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ang galing mo talaga chong!"

Halos isang oras ko lang tinapos lahat ng ginagawa ko. Tinignan ko ang relo ko, may oras pang magliwaliw bago mag-dinner. Tamang-tama, makagala muna para matanggal naman yung hang-over ko sa pag-aaral. Pinakamatinding hang over pala ito! Ang sakit sa ulo! Ang hirap talagang mag-isip kapag hindi ka sanay. Hay, hay, hay!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon