Chapter 42

44.3K 1.3K 164
                                    

date uploaded : 6-1-15


Chapter 42

Red


Pakatok pa lang ako sa pinto ni headmaster ay nabuksan na nya ang pinto.


"don't you have anything more important to do than disturb me everynight!"


"Naks, si headmaster, gumagaling na esp nyo a! Alam na alam nyo na nandito ako a." Nakangisi ako sa kanya para matanggal ang pagkainis nya sa akin.


Mukhang hindi maganda ang timpla ngayon ni Headmaster. Pagod siguro. Isasara na nya ang pinto pero naharang ko ito. Talaga si headmaster, hindi na nadala. Pasara-sara pa sya ng pinto, e alam naman nyang hindi umuu ra sa kin yon.


"Get lost Rhain. I need my rest."


"Naku naman headmaster, isang oras pa bago ang curfew. Ang aga aga nyo naman matulog. Sige kayo, tataba kayo nyan."


Napailing na lang sya. Alam nya kasi na wala syang magagawa sa pagtataboy sa akin. Tinignan nya ako ng matagal, parang tiniti,bang ang mga sasabihin sa akin. Napalitan ng pag-aalala ang iritasyon nya.


"Rhain, you have been torturing yourself for the past month. Can you just think of other stuff? something that can keep your mind away from.... " pinutol ko ang salita nya.


"Nakikibalita lang naman po. Gusto ko lang naman malaman ang totoong kalagayan nya. Kung nagising na ba sya o naglalamyerda na at ayaw pang bumalik ng FU.. o baka naman.... " Ayoko nang banggitin ang hindi maganda.

Think positive! Sabi nga ni Alex.


"I'm sorry Rhain, but there's still no word from Josh's parents, and I can't even contact Dr. Jin."


Hinawakan ni Headmaster yung balikat ko.


"I no longer know what to say to you. I have already told you so many things. So maybe all you can do for now is to wait. And whatever happens, whether good or bad, try to accept it."


Nakaramdam ako ng pagpiga sa puso ko.


"Parang ang hirap naman ata non. Kasalanan ko kung bakit naging ganon ang kalagayan nya. Baka naman may pwede pa akong magawa para sa kanya?"


Kung hindi ako tumakas, hindi nya dapat ako napasakamay ng sindikato. Iyan tuloy, kinailngan nya akong sagipin sa uncle kong may sayad sa ulo.


"Yes, you can do something for him." Parang nagkaroon ako ng pag-asa sa sinabi nya. Baka pwede nya akong ipadala sa Korea! Gustong-gusto ko na ulit makita si Josh.


"Ano po 'yon?"


"Stop blaming yourself..." Napangiwi ako sa sinabi nya. Ang hirap din gawin 'non."



"Do you believe in destiny?"


Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon