Chapter 9

54.7K 1.1K 55
                                    

Date uploaded : 10-15-14

AN.. pinutol ko na lang.. meron pa dapat karugtong pero parang mas feel ko na hanggang dyan na lang muna... sa next chapter ko na lang ilalagay yung iba.

Chapter 9

Red

Pinatawag ako ni headmaster sa office nya, pag-uusapn daw namin yung result ng exam ko.

HALA NAMAN! Bakit pa kailangang ipatawag? BAGSAK BA AKO?!!! Hala!!!!! Ginawa ko naman ang lahat. Halos araw-araw akong nagsusunog ng kilay, hindi nga lang kilay nasunog sa kin, lahat na ata ng buhok sa katawan ko nasunog dahil sa kakaaral!

Nakupo! Anong mukha ihaharap ko kay erpats nyan! Saka saan ako papasok nito? Kung sa bagay, hindi lang naman ito ang univerity sa Pilipinas. Napakadami pa. Pwede din naman akong makapasok sa iba.

Pero bakit bigla akong nalungkot sa naisip kong 'yon? Ang importante lang naman sa kin ay makapag-aral. Pero bakit ngayon, namimili na ako ng eskwelahan na gusto kong mapasukan. Choosy na ba ako ngayon? Ano ba yan! Pati lenguahe ko nababading na! May pa-choosy choosy pa ako ngayon!

Hay nako! Kung bagsak, e di bagsak! Mabuti pang alamin ko na lang para hindi ako parang pusang hindi matae sa kakaisip kung pasado ako o hindi.

Lumabas na ako sa cabin at nagsimulang maglakad papunta sa Headmaster's office.

hindi pa ako masyadong nakakalayo ay may bumusinang kotse sa likuran ko.

"Hey Rhain!Going somewhere? Need a ride?"

Naku po! Ang taong iniiwas-iwasan ko simula noong sapakan incident! Hindi ko sya pinansin at mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko, tinakpan ko pa ang mukha ko, as if naman maitatago ko ang sarili ko sa kanya! E bakit ba, trip ko e!

Hindi naman na ako naiinis sa kanya, mas more on nahihiya ako sa kanya. E kasi naman e, ginalit-galit nya ako. Wala pang nakakahalik sa kin kahit saang parte ng katawan ko, tapos ganon-ganon na lang ang paghalik nya sa pisngi ko at parang wala lang! Hay nako!!!! Mabuti nga at iyon lang ang inabot nya sa kin at hindi ko sya inilibing ng buhay. Ang problema, sa sobrang galit ko, naibuhos kong Lahat ito sa kamao ko at halos tumurpit sya sa kinauupuan nya at nawalan ng malay! E MALAY KO BA NA HINDI SANAY SA SAPAKAN YON! Nakita naman nya na sasapakin ko sya hindi man lang kasi umiwas! Tangi-tangi talaga! Ayan tuloy sa ospital ang bagsak nya at na-ban kami sa restaurant! Mabuti na lang at hindi pa nakakaalis si chinito ng mangyari yon. Narinig daw nyang nagkagulo sa loob akay tinignan nya kung bakit. Mabuti na lang ang may pagkachismoso si chinito, at kung hindi ako ang magbubuhat ay Dr. Alak.

Sa infirmary ng FU na namin dinala si Dr. Alak, at gusto pan gmalaman ng staff kung sino ang gumawa non sa kanya at kakasuhan daw nila! Mabuti na lang at pinag takpan ako ni Chinito. Kahit si Dr. alak pinagtakpan din ako at wala syang balak na ituro ako. Mabuti naman, kundi bye bye world na ako! Masyado palang protective ang admin sa staff at faculty. E mas lalo na itong Alak na to na kabilang pa sa board of directors ang magulang. Silang dalawa ni Chinito anak din pala ng board of directors.. Pero teka.. Parang si erpats, naririnig kong ganon din a? E din powerful din pala ako? A ewan!

Napag-isip-isip ko din na kung paano kung maging prof ko si Dr. Alak ? E di unang sampa ko pa lang sa classroom nya, bagsak na ako! Patay tayo dyan! Kaya minabuti ko na lang na iwasan na lang yung alak na yon! Pero may mga tao talagang hindi marunong matuto, obvious naman na iniiwasan o sya, e bakit eto naman sya ngayon at bubuntot buntot sa kin! Ayaw ba talaga akong tantanan nitong Alak na to? O baka naman gusto nyang makipagtagayan? Pwede din! Hindi lang sa kamao ko syang pwedeng patumbahin, patibayan pa kami sa tagayan!

"Rhain! Aren't you going to talk to me?"

Deadma... Deadma...

"Hey! Can we just have a truce? You forgive me and I'll forgive you. End of story.. Hey, c'mon.. This is not the time for you to ignore me. In just a few hours, you'll be flying out of here with Josh. We need to talk about the plan."

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon