Chapter 17

52.6K 1.3K 135
                                    

Date uploaded : Nov. 26, 2014

AN... sa mga gustong makigulo sa christmas party sa December 22, please pm Jhez hernandez, ang organazer natin, sa facebook. sa dec. 22 po gaganapin.. 

Chapter 17

Red

"Not everything is entirely our fault." Sabi ni Josh habang inilalabas ang cellphone nya. At ngayon pa talaga naisip magtext nito, kung kelan naman nagkakainitan na!

Nasa isang exclusive na parte kami ngayon ng dinning hall. Pasikat pa lang ang araw ay ginising na kami ng kung sino mang istorbo at dinala kami dito. Laking gulat namin noong pagpasok ay nandito si Tito Zack at Tito Andrew na may kasamang mga abogado at kausap ang kapitan at ilang crew. Inaalam nila ang mga nangyari at base sa mga mukha nila ay siguradong lagot na naman itong mga to. Hindi ako kasali don syempre! At bakit? Magulang ko ba sila? Hindi ko alam kung asan si Erpats, mabuti na lang at saksakan ng dami ng pinakakaabalahan non.

"The riot was caused by you. Why would you say that it's not your fault?" Sabi nung isang crew na kanina pa kami pinagdidiinan! Pinanlisikan ko sya ng mata. Aabangan ko to mamaya, gusto nya atang makita ang mga kamag-anak nyang mga bisugo sa ilalim ng dagat. Ang angas! Kapal ng mukha!

"We were just trying to get Alex and Red out of the party--" sabat ni Charles pero sinoplakan na naman nitong bwisit na to! Galit ata sa mundo to e! Kainis!

"That they are not even allowed to enter."

"And why did you let us enter? " inis na rin na sabi ni Alex. " they didn't even asked us for our ID's! I swear dad, dire-diretso lang talaga kami ni Red. hindi talaga sila mahigpit katulad ng sinasabi nila. "

Tinignan ni Tito Andrew si Alex ng makabuluhan at inis na na nanahimik na lang.

Nagbulungan sandali si Tito Zack at si Tito Andrew, kinausap din nila sandali ang mga abogadong kasama nila. Tinignan ko sa Josh, kahit pala dito, dala-dala pa din nya pagka-autistic nya. Kalmadong-kalmado at yung cellphone ba naman ang pinagkakaabalahan?! Sandamakmak na toyo ata ang laman ng utak nito!

Pero in fairness!!!!! Kahit na bagong gising ang gwapo-gwapo pa din nya. Yung 3 botones ng polo na kulay itim ay nakabukas at kitang kita mo ang kagandahan ng katawan nya!!! Ahahahahhaa! Mas mali ata itong ginagawa ko kesa sa kanya. Tama bang pagpantasyahan ko sya ngayon at nagdidiskusyunan kami at kailngan naming ipagtanggol ang sarili namin sa mga hinayupak na crew dito! E kasi naman kinikilig overload naman kasi ako! Nagising ako kaninang mahigpit ang pagkakayakap nya sa kin? Hindi sya tulog a! Gising na gising sya, pero parang ang lalim ng iniisip nya kanina. Pero, tinatamaan pa rina ako ng kabaklaan kanina! Hehhehe...

"OK, I'm not saying that what they did is correct. " sabi ni Tito Andrew. "But I know these kids, they won't do anything unless they're provoked. Yes, they're going to have certain punishments because of this incident, but I just don't want you to put all the blame on the kids as if you're washing your hands on all responsibilities!"

War mode si Tito Andrew at parang tumiklop ng konti itong bwisit na crew na to. Hahahaha! Go Tito! Lamunin mo ng buhay! Kailangan na ba akong mag-cheer ?! wahahahaha!

Ewan ko ba, kahit na alam kong tigok kami nito mamaya dahil sa mga bugbugan issue, ay nakakaramdam ako ng saya. Kahit na mukhang galit si Tito Andrew at si Tito Zack, ay makikita mo talaga ang pagmamalasakit nila, hindi lang sa mga anak nila, kundi na rin sa amin. Kasama kami sa pinagtatanggol nila. Hindi ko nga rin maintindihan dahil hindi naman kami magkakadugo.

Sa sindikato, kahit na ang tagal na ng pakinabang nila sa kin, kahit kelan ay hindi ako nakaramdam ng malasakit. Kaya nga naging bato ako e. Oo, kapag nagkahulihan, pipyansahan ka nila, pero hindi dahil concerned sila sa 'yo kundi dahil kailangan ka pa nila. Dumadating sa panahon na pababayaan ka na lang nila dahil wala na silang pakinabang sa 'yo, katulad ng ibang mga kasamahan ko na tumanda na sa sindikato. Mga wala man lang utang na loob!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon