Chapter 32

51.2K 1.4K 251
                                    

Date uploaded : april 6,2015

Chapter 32

Red

"Ano ba naman itong ipinasuot nyo sa kin! Anong tingin nyo sa kin Christmas tree? Ha!" Isang pulang floor length gown ang suot ko na punong puno ng burloloy, swarovsky crystals ang tawag ni prinsesita sa kumikinang kinang na design ng gown. Maganda, pero mukha akong engot na ididisplay sa sulok ng bahay.

Nasa dressing room kami ng auditorium ng FU, kung saan magaganap ang auction. Nandito na rin sa backstage ang ilan pang mga kasali sa amin na ibebenta. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kasama pa yung mga maaarteng cheerleaders na yon! Halos tumirik ang mata ko nang makita ko ang reyna ng kadiliman sa katauhan ni Annabelle!

"Tumigil ka dyan! Pinakiusap ko pa kay Mother Reyna na ipadala yang gown na yan! Ang arte mo!" Sabi ni Alex na kasalukuyang nag-m-makeup kay Chloe. Hindi lang model ata itong baklotang ito, make up artist na organizer pa! Aba matinde! Kaya ang init ng ulo. Mas lalo ko kayang painitin ang ulo nito. Maganda naman talaga yung gown, hindi lang ako sanay magsuot ng ganito. pakiramdam ko magkaka-allergy buong katawan ko!

"We can trade if you want." Halos mapatalon ako sa gulat. Katabi ko na pala ang mangkukulam! "The gown is extremely beautiful. " ngumiti sya ng nakakaloka. "Pero, sad to say, hindi bagay sa 'yo."

UPAKAN KO TO E!

"Owwwsss talaga? Parang sinabi mo na din na hindi world class si Mother Reyna, dahil pinasaday pa nya sa 'kin itong gown na to. Sabihin ko kaya kay mother reyna na sabi ni annabelle Fajardo na hindi sya magaling mag-design."

Nanliit ang mga mata ni Annabelle. "Wala akong sinabing ganon. Wag kang pauso. Ang sabi ko, maganda yung gown, ang hindi maganda, yung nagsusuot."

"Wa ako paki kung hindi ako maganda. At least hindi ako papansin at pinagpipilitan ang sarili sa lalakeng ayaw naman sa kanya. "

"Why you!"

"Ay, nasaktan ka ba? Hmmmm. Mukhang may guilty dito a."

"You bitch!"

"Beach? Mag-s-swimming ka? Sa lake ka na lang mag-swimming, itulak pa kita e. Ay, wait lang, lalagyan ko muna ng mga piranha, para naman maski papaano, mapakinabangan naman yang nabubulok mong katawan. "

"Red, Belle. Please..." Pumagitna sa aming dalawa si Zia. "We are all in a lot of stress right now and we don't need any of your bickering. Or better yet, you can settle your misunderstandings right now. Para naman matigil na yang mga alitan nyo."

"Pwede naman yon e. Simple lang naman ang inaantay ko sa kanya. One word lang. SORRY, iyon lang." Namewang ako at ngumisi ako sa kanya. Ang tagal a! Buti nga at hindi ko sua pinaluhod.

"As far as I can remember, you're the one who owe me that word. Sino ba ang naglagay ng mga bulate sa kama ko? Sino ba nagtapon ng mga damit ko at ikinalat sa damuhan? Gusto mo pa atang isa-isahin lahat ng mga atraso mo sa akin?"

"May ebidensya ka na ako ang may gawa non? Avvveeeerrr, ilabas mo. "

"You are so infuriating!!!"

"Ops ops ops.... Wag kang magalit... Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumapangit, sige ka, walang bibili sa 'yo."

Pinanlisikan nya ako ng mata. "Tignan na lang natin kung sino ang hindi mabebenta dito." Ngumiti sya at tinignan nya ako ng pailalim. Delikado talaga itong babaeng ito. Sa Psychotic ward dapat ipinapasok ito! Psychopath na sociopath pa! Tak tsk tak. Delikado. "Goodluck na lang sa 'yo." Sabay talikod at naglakad palayo.

"Red, it's not healthily to hold any grudges on anybody. Alam ko na hindi maganda ang naging ugali nya. But I can see that she's trying hard to change."

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon