Chapter 37

40.3K 1.1K 126
                                    

Date Uploaded : 5-12-15


Chapter 37

Red


Unti-unti ko iminulat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang oras ako nawalan ng malay. Masakit ang buo kong katawan na para bang ginulungan ito ng 10 pison.


Aray ko... pakiramdam ko nabalian ako ng buto sa ribs. Halos hindi ko maikilos ang katawan ko. Dagdag pa na nakatali ang mga kamay ko sa isa sa mga poste nitong mabahong budega na ito.


Nakakainis yung mga bakulaw na yon. Hindi patas lumaban!

Hindi naging madali para sa akin ang talunin si kumag dahil Isa sya sa mga nagturo sa akin kung paano lumaban. Alam nya ang mga galaw ko kaya mabilis nyang nadedepensahan ang sarili nya. Alam din nya ang mga kahinaan ko. kaya doon nya ako tinitira. Ang hindi nya inaasahan ay marami din akong natutunan kay Alex na mga martial arts at iyon ang nagamit ko para mapaluhod ko sya. Ang problema, trinaidor nya ako at ng mga kasama nya. HIndi ko naalala na marumi nga palang lumaban ito at gagamitin nya ang lahat para lang mapabagsak ang kalaban nya. Ibibigay ko na sana sa kanya ang huli kong suntok para mapabagsak sya, iyon pala, ako ang napabagsak ng may pumalo sa ulo ko mula sa likuran ko. Kahit na anong gawin ko ay hindi ko mapigilan ang hindi mawalan ng malay. Bakal ata ang inihampas sa akin kaya tumumba ako. Mabuti at hindi ako nagka-amnesia. Sabi nila kapag matinding bagok sa ulo, nawawalan ng memorya.


Nakakapanggigil! Ang sarap nilang pagtitirisin!. Ngayon naman itinali pa nila ako. Kapag ako nakawala dito, pagtititirisin ko mga itinatago nila! Makikita nila ang bagsik ng paghihiganti ko! Tatadtarin ko sila ng pinong pino!


Ano kayang nangyari kay Isko?


"Gising na pala ang kamahalan." Sumingkit ang mga mata ko sa taong dumating. Ang Maestro. Ang ulo ng sindikato. Kung baktt maestro ang gusto nyang itawag sa kanya ay hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam. Frustrated sigurong maging katulad ni Ryan Cayabyab. Dapat butete ang screen name nya e. Maliit syang lalake, malaki ang tiyan at luwa ang mata. Pero kahit na mukha syang katawa-tawa, isa sya sa pinakamalupit na taong nakilala ko. Kahit na hindi ko sya nakitang sumabak sa away, marami syang galamay para lumaban para sa kanya. At syempre, nagagawa nya ang gusto dahil sa limpak-limpak nyang datung. Katulad ngayon, dadalawin lang nya ako, nagsama pa ng entourage.


Ikinuha sya ng upuan ng isa sa mga chuwari-wariwap nya at naupo sya sa tapat ko.


"Ang tagal mo akong pinahirap sa paghahanap ko sa 'yo."


"E tange ka pala e, 'bat mo hinanap ang ayaw magpakita sa 'yo?"


Hindi nagpakita ng emosyon si maestro, pero alam kong medyo napikon sya. Hinanda ko na din ang sarili ko sa susunod nyang gagawin. At hindi nga ako nagkamali ng hula, ihinampas nya sa tagiliran ko ang hawak nyang baston.


Anak nga naman talaga ng pusang ligaw! Ang sakit non! Katulad nya ay hindi din ako nagpakita ng reaksyon. Ayokong pagbigyan ang gusto nya na makita akong namimilipit sa sakit. Kailangan kong isiping manhid ang katawan ko.


"Hindi ka na marunong gumalang ngayon. " Ngumisi sya ng nakakatakot. " Pero ok lang. Alam mo ba na hanggang ngayon, ikaw pa din ang paborito ko?"

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon