Chapter 24

51.9K 1.1K 107
                                    

Date uploaded : 1-14-15

Chapter 24

Red

"He's gonna be fine. Don't worry." Sabi ni Dok Alak habang iniijectionan na naman sya ng kung ano. Nasa cabin kami ngayon ni Chinito. Dito ko sya kinaladkad para makapagpahinga sya. Pero pagdating sa cabin ay kung ano ano pa din ang pinagsasasabi na para bang nahihibang na! Kinakausap ba naman ako ng alien language! English nakakaintindi ako kahit pagbali-baligtarin mo pa yon. Pero iba na talaga ang tabas ng dila nya, noong malaon kaya parang halo-halong lengguahe na ang sinasabi nya. E napikon na ako, sinuntok ko na lang sa panga para manahimik na. Ayun, tulog.. hehehehe... Mabuti na lang, may kung anong pinahid si Dok at nawala yung pasa, kung hindi, patay na ako, basted na agad!

Sa tingin ko, nag-o-over-load na ata ang utak non kaya parang nahihibang. 

"E ano naman yan?" Tinuro ko yung injection na tinuturok nya kay Chinito. "Hindi naman drugs yan a?" Pinanliitan ko sya ng mata, pero natawa lang sya.

"Of course this is a drug."

"Loko ka a! Gusto mong masipa?" Sa halip na matakot ay mas lalo pa atang natuwa. 

"Yes, this is drugs. All meds are called drugs, you know. "

Oo nga naman pala. 

"Liwanagin mo kasi, alam mo naman ang pinanggalingan ko. Iba ang ibig sabihin sa amin ng drugs. Kapag sinabing drugs, droga na agad yon! At alam ko din ang epekto non sa utak at katawan. Nasubukan ko na minsan yon, pero di ko na ginawa pa ulit. Hindi ko itatapon ang buhay ko katulad ng mga ginawa ng mga kasamahan ko. " 

"That's really good to know. " Ngumiti sya sa akin na parang may halong paghanga. "You're really something else, something special. I know that deep down that tough exterior is a kind hearted soul. I hope that you know how special and one of a kind you are." 

"Weeeeehhh! Talaga lang a. Anong klaseng dialogue yan. May kailangan ka na naman siguro sa 'kin ano?!" 

Natawa na naman sya. Inayos na nya yung mga gamit nya at inilagay sa isang bag.

"I know I've asked too much from you. And you're really doing a great job on that. Your transformation is remarkable! " Lumapit sya sa 'in at hinawakan ang magkabilang balikat ko. " Your resemblance with Sky is astounding. You look gorgeous." 

Muntik na naman akong mapangiwi pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Nginitian ko na lang sya. 

Umupo ako sa kama ni Chinito at tinignan ko ang mukha nya at napangiti ako. Ang amo ng mukha nya kapag natutulog. Hindi nakakunot ang noo nya. Hindi sya mukhang suplado at masungit. Ang sarap nyang halikan! Parang si sleeping beauty lang at ako ang kanyang prince charming! hahahahaha! Baligtad na ba ang mundo? Matagal na rin naman diba? 

"Ano ba talaga ang sakit nya? May trangkaso ba sya?" 

"It's over fatigue, stress. He's not eating right, and he is not sleeping. His mind is working overtime and it got the better of him. His fever in one way of telling his body to slow down and rest. So that's exactly what he has to do. I gave him a tranquilizer that will let him sleep over 12 hours. So you might as well enjoy the rest of the party because he's not gonna wake up anytime soon. " 

Hinawakan nya ang braso ko at pilit na itinayo. 

"Ano ba! E sa gusto ko pa dito e." 

"And what? You're going to count all his hair?" 

"Gusto mo isama ko pa dandruff nya e. " 

Napailing na lang sya.

"Look, you want him to get well right?"

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon