Chapter 20

57.6K 1.2K 75
                                    

Date uploaded:12-25-14

AN.

Merry christmas falconians!
Thank you so much sa lahat ng nakapunta sa get together ng mga falconians. Sobrang thankful ako sa mga efforts ninyo! Grabe lang at na-touch ako ng bonggang bongga! Sobrang Thank you Jhez for organizing the meet up! Sa uulitin! Malapit na daw ilabas ang FMW. I hope that it'll be early next year. Abangan po nating lahat ang paglabas ni Tanya at ni Andrew sa mga bookstores! Yehey!

Chapter 20

Red

Kanina pa ako nakatingin sa kisame pero hindi pa din ako dinadatnan ng antok. Ilang tupa na ang binilang ko, hindi pa din ako inaantok. Nagbilang na din ako ng kambing, kabayo, palaka, pati na rin dinasour.. ewan ko ba at hindi pa rin bumibigat kahit kaunti ang mga talukap ng mata ko. pasikat na nga ang araw dilat na dilat pa din ako. HIndi naman ako tumungga ng kape para hanggang ngayon ay mukha pa ding tarsier ang mata ko. Haist! O tulog... Maawa ka naman at dalawin mo ako! Kailangan kong mag-beauty rest at rarampa ako sa harap ni Chinito bukas! Oh ha! May nalalaman na akong beauty rest ngayon. Sabi kasi ni Alex, nakakapangit daw ang pagpupuyat. Ang problema, kahit na gustuhin kong matulog, ayaw naman makisama ngayon ng sistema ko. Ganito lang naman ako kapag may mga bagay na iniisip ako. Kahit paano marunong naman akong mag-isip at kahit ganito ako, matunong din akong magmuni-muni.

Wala sa hinuha ko o kahit dumaplis man sa isip ko na ang puso pala ng ate ko ay buhay at tumitibok pa!

"Kaya pala."

Kaya pala ganon na lang din ang trato ni Erpats kay prinsesita, na para na rin nyang tunay na anak. Akala ko ay dahil anak lang sya ni Tita Sheila, iyon pala parang si Ate Sky na rin si Chloe.

"Hay! Hay! Hay! Ano ba yan! Kasira ulo naman yan!"

Ano ba red!! Nagiging senti ka ba?! Kainis ka! Hindi ka naman ganyan!

Bumangon na lang ako dahil walang saysay na rin naman ang ginagawa kong pagpilit na matulog. Makalarga na nga lang! Baka kailangan kong pagurin ang sarili ko para makatulog.

Nagpalit ako ng pang jogging at balak kong takbuhin ang buong FU, kung kaya ko, sa laki ba naman ng lugar na to. Magpapaka-darna na lang muna ako.

Lumabas ako ng cabin at naramdaman ko agad ang lamig ng paligid.

"Woohhhh... Ang lamig!!! "

Mangisay-ngisay pa ako, pero mas gusto ko to! Tamang tama ito, mas tataas ang adrenaline ko. Madilim pa at tahimik pa ang paligid. Hindi pa implemented ang curfew kagabi kaya malamang na kalahati ng population ng FU baka ngayon pa lang matutulog. Doon ako nagpunta sa direksyon papunta sa man made lake.

Makapag-swimming kaya, para mas lalo akong mangisay, hehehhee.. Baka naman maging ice drop na ako non. Hahahaha! Ok lang. Basta ba si Chinito ang sasagip sa kin, kahit araw araw akong magpakangisay sa lake.

Habang tumatakbo ako ay nag-re-rewind sa isip ko ang mga nangyari nung nakaraan. Sumagi sa isip ko ning sinalubong kami ni Chloe sa cruise ship. Naalala ko kung paano niyakap ni Chinito si presesita at nakaramdam ako ng parang pagpiga ng dibdib ko. Hindi ko tuloy mawari kung anong dapat na isipin ko.

Ano ba ang tingin ni Chinito kay Chloe? Feeling ba nya sya ang ate ko? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nya makalimutan si ate? Hanggang ngayon ba ay hindi pa din nya matanggap na patay na si ate at kailangan pa nyang gumawa ng time machine para lang maisalba ang buhay ng ate ko? Hindi ba nya naisip na kung mailigtas nya si Ate ay para namang pinatay na nya ang prinsesitang hilaw? At kung sakaling maging matagumpay sya sa experiment nya, paano ako? Makikita pa kaya ako ni Alex? Baka hanggang ngayon ay nasa sindikato pa din ako!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon