Chapter 36

44.7K 1.2K 99
                                    

Date uploaded - 5-10-15


Chapter 36


Alex


"JOSH!!! Hoy joshua!" Tumatakbo kami ni Zia at Chloe papunta sa Cabin ni Josh. Hindi pa sumisikat ang araw ay nagkakakatok na si Zia sa cabin namin at nag-aalala. Sabi nya na hindi umiwi si Red, at nagbabakasakaling sa cabin namin nakatulog. Kahit na naka-pajama pa ako ay pinuntahan namin si Josh. Baka nadala sa date nila at kung saan nya dinala si Red. Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang walang Red na nakatambay sa cabin nya, dahil si dok ang kasama nya ngayon.


Nagmamadali silang magpinsan na sumakay ng kotse at mabilis na minaneobra ito.


"HOY!!!! JOSH! JUNG HWWWWAAAAHHHH!!!!" Alam kong nag-e-eskandalo na ako. Pero wala akong of pakialam kung nasa mundo pa ng tralala ang mga kaluluwa ng mga tao dito.

Hindi nagmenor si Josh at mabilis nyang napaikot ang kotse nya. Mukhang walang balak na huminto ito a. Hindi na ako nag-isip at humarang ako sa dadaanan nila. Nang malapit na ay biglang napahinto si Josh at bumusina ng malakas! Tinakpan ko ang tenga ko.

"Aray ko naman! Tanggal tutuli ko don a!"

"Will you get out of the way!" Galit na sabi ni Josh na dumingaw sa bintana.

"Not until you tell me what happened to Red. Hindi daw sya umuwi kagabi at ikaw ang huling kasama nya." Protective much? Hindi naman, slight lang. Syempre, feeling resposible ako sa babaeng yon. Ako kaya ang nakadiscover sa kanya.

Kumunot at noo nya pero hindi nagsalita.

"Tinanan mo ba sya?"

"What?!" He looked at me in disbelief as if I've grown a third head in my neck.

"Mukhang hindi. E anong nangyari sa kanya?"

Lumabas si dok sa kotse. "We dont have much time. Just get in the car and we'll tell you everything."

Parang kinabahan ako sa tono ng boses ni dok. " May nangyari bang masama? Nasaan na si Red? "

Hindi pa din nagsalita si Josh. Hay nako! Makasakay na nga lang at napipi na naman si Jung hwa!

Papasok na kaming tatlo sa kotse pero pinigilan ni Dok si Chloe na sumakay.

"I'm sorry Chloe, but I can't let you come with us." Sabi ni dok.

"But why? I need to know what happened to Red. She's my sister. Or future sister."

" I know, but I don't want to take any chances with your health. It's better safe than sorry."

Napanuntong hininga si Chloe pero pumayag na din. "Ok, I understand."

"Chloe, paki sabi na lang kay Charles na gagala lang muna kami. Sabihin mo na din na wag nya akong ma-mi-miss!"

"Sure! Tawagan mo na din, baka mabaliw yon kakahanap sa 'yo. Alam mo naman yon."

Oo nga naman. I-te-text ko na lang muna sya, baka mahimbing pang natutulog 'yon. Kinapa ko yung cellphone ko nang ma-realize ko na nakapantulog pa pala ako! Sa sobrang pag-aalala ay nakalimutan kong magpalit! Hala! Wala akong dalang cellphone!

Mabilis na pinaandar ulit ni Josh yung sasakyan.

"Teka! Wait lang! Detour muna tayo sa cabin ko. Kukunin ko lang cellphone ko."

Pero sa halip na huminto si Josh ay mas lalo pa nyang binilisan ang pagmamaneho.

"You can live without your cellphone for a day. What's important is we need to find Red as soon as possible."

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon