Chapter 8

60.9K 1.2K 118
                                    

Date uploaded : Oct 7, 2014

Hey guys... 

join kayo sa fb groups ko a.. 

Falcon univerity group

and

walang magawa book compilation.

I just want to greet all the falconians.. thank you soo much for all your support sa mga stories ko. Sa pag-avail ng ILYK books... at alam ko that you're also looking forward sa pag-release ng FMW! yehey... to be published na rin po ang FU1! yehey! Paki basa din po ang 'the air i breathe'. basahin nyong lahat.. maganda yon! wahahaha! syempre.. love your own!!!

Thanks din sa mga admins ng groups... thank you soo much sa pagpapasigla nyo ng grupo.. May game ata silang prine-pare... so sali kayong lahat!

Chapter 8

Red

Napatingin ulit ako sa cellphone ko. Nag-hang-up na si josh kanina pa pero nakatulala pa din ako sa cellphone. Eat out daw? EAT OUT DAW!!!!!! Waaaa! Katumbas ba non ang date?! Waaaaaaa!

"DATE BA TO!!!!!!!" Napasigaw ako at ihinagis ko ang sarili ko sa kama. Ahahahhahahaha!!!!! Pero, napahinto akong bigla at mabilis na napatayo. Hala! Nababading na ako! UMAYOS KA NGA RED!

Sabi nya nandito na daw sya in 2 minutes. Ano sya lilipad? Tumingin ako sa relo ko, ilang segundo na pala ang nasayang ko sa kakakilig ko dito! Kailangan kong magmadali! Baka kapag hindi ako nakahanda pagdating nya, e iwanan ako! Sayang naman ang libreng pagkain! O libre nga ba? A basta, sya nag-aya, dapat sya ang manlibre!

Tumakbo ako sa banyo para maghanda. Wala na akong oras magpalit pa ng damit. Tinignan ko na lang ang sarili ko sa salamin. Napangiwi ako pero no choice na ako nito! Kahit masyadong girly itong suot ko, wala na akong magagawa kundi panindigan ko nang isuot ang pink na damit na 'to. Nasa basurahan na yung mga tinapon pong damit, ayoko namang mangamoy kung kukunin ko yon! Mas matatagalan naman ako kung mangangalungkat pa ulit ako ng damit.. Ayos na to! Bahala na. Nagsipilyo na lang ako at dali-dali na akong lumabas ng kwarto. Tinalon ko na yung hagdanan at mabilis akong lumabas ng cabin, eksakto naman ang pagpark ng isang kotse sa harap.

Ang bilis ! Bumaba ang salamin sa driver's side at dumungawa ang gwapong mukha ni Chinito at tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

Hala! Bakit ako kinakabahan sa pagispeksyon nya sa kin? Dapat ba akong magpa-cute? Mag-emote? O mag-project?

"Alam kong nasa bundok tayo, but you don't have to go overboard in pretending to be a "taong bundok""

"Huh? Sa suot kong ito, mukha akong taong bundok! Hooy! Chinitong Alien, latest fashion ata ito sa New York! Kakapadala lang sa akin ni ito! Si Chloe ata ang bumili nito!"

"I'm not talking about the dress, no doubt that that is the latest trend, but you might want to wear something for your feet. I don't want any blood stains on my car's carpet if you hurt yourself."

Tinignan ko ang paa ko at halos lumuwa ang mata ko ng makita kong WALA PALA AKONG SAPATOS!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon