Chapter 11

50.8K 1.1K 83
                                    

Chapter 11

Red

"Waaaaaaa!!!!!!" Mabilis na mabilis ang pagbaba ko sa malaking slide! Kung alam ko lang na masarap sumakay sa ganitong slide, matagal na akong pumuslit sa loob ng splash island! Pagbagsak ko sa tubig ay pakiradam ko ay para akong na-flash sa inidoro! Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng isa pupu! Hahahhahah!

Mabilis akong umahon para bumalik sa taas ng slide pero hindi pa man din ako nangangalahati sa pag-akyat sa hagdan ay naharang na ako ng tatlong Maria.

"Sinasabi ko na nga ba at nandito ka lang! Kahit pala gibain namin yun pinto ng kwarto mo, walang Pula na lalabas don!"

Nakapamewang si Alex, nakataas pa ang kilay. Ang taray lang ng dating a!

"Sinabi ko bang puntahan nyo 'ko?"

"Diba may usapan tayo na mag-sho-shopping tayo?"

"May sinabi ba akong OO?"

Nag-isip sandali si Alex. "Wala, pero hindi ka naman kumontra."

"Hindi ako kumontra, hindi din naman ako sumang-ayon."

"O sige na, sige na. " sabi ni Zia. "Let's just move on and go to the shops?"

"Teka sandali! Nag-eenjoy pa ako dito e!"

"Ummm.. Sis, you really might want to consider? You might want to change your swimming attire? It's not that I'm saying that it's ugly but..."

"Hoy! Anong pangit ang sinasabi mo dyan! Tignan mo ngang mabuti, branded yan! Saka ikaw kaya ang bumili nyan!"

"Ummm yeah, I know. But I think wearing polka dot boxers shorts and tshirt on pools is prohibited. You should wear proper swimming attire."

"At magmukha akong pok-pok?"

"Language please!" Sabi ni Ziana parang naiilang.

"There are more fashionable yet decent swim wears that you can choose from. Let's just go to the stores and buy some, ok? No arguing or else!" Sabi ni Alex.

Ano bang problema nitong babaeng ito at na-wa-war freak sya ngayon?

"O sige na, sige na! Manahimik na lang kayo! Suya naman! Kung kelan naman nag-eenjoy na ako. Napaka-KJ nyo!"

"You'll thank us later."

"Basta balik tayo dito agad. Swimsuit lang muna ang bibilhin natin at kayo ang taya."

"At bakit kami ang magbabayad? Nanggugulang ka na naman e! Mas mayaman ka pa sa min, dapat ikaw ang manlibre sa min."

Bumanat din ang isa pang kuripot.

"Ayaw nyo? Ay nako, bahala na lang kayo dyan, basta ako, mag-s-slide na lang."

Iiwan ko na sana sila ng hawakan ako ni Zia sa braso.

"I'll buy you those swim wear, just come with us. You really need to change."

Napangising pusa ako.

"O tignan nyo.. Mabuti pa si Zia madaling kausap. Tara na Z. Ako lang ang ilibre mo a, wag mo silang idadamay."

Natawa lang si Zia at nauna na kaming maglakad palabas ng pool area.

"The guys will also be here in a few minutes. Mag-s-swimming din daw sila."

"Kasama si Chinito?"

"Chinito? Ah! You mean Josh! Is that what you call him?"

"Chinitong alien talaga, pero ang haba kaya Chinito na lang."

"That's so cute. Well, Ummm I don't know if he want to take a deep. Last time I checked, he's sleeping in his room."

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon