Chapter 7

59.6K 1.2K 130
                                    

Date uploaded : october 3, 2014

AN.. Ayan totoo na to... Pero maikli lang... Wala pa sa mood ang brain cells ko...

Btw.. Remind ko lang po ulit sa mga nagbabasa ng stories ko...

Please join both of my groups in FB - falcon university group and walang magawa book compilation.

Sa mga wala pang copy ng ILYK books... Please grab your copies na!!! Dahil bago matapos ang taon ay lalabas na si Andrew my labs sa mga bookstores. And good news din.. To be published na rin ang FU1.. Kaya dire-diretso na ang FU series!!! Wooohhhooo!!!

Chapter 7

Red

Chapter 7

Naka-Indian sit ako sa kama ko at nasa harap ko ngayon ang laptop ko. Pero hindi pag-aaral ang inaatupag ko ngayon. Suma-side line lang ako. Pero Nag-re-research naman ako. Parte pa din naman ito ng education ko.

Tinype ko sa google..

'HOW TO BE A GIRL...'

Ahihihihihi!

NAHIHIYA AKO SA GINAGAWA KO! Ako si Red, ang pinaka-astig sa Tondo, nag-s-search ng ganito sa google?! Kapag may nakakita sa kin dito.. TIGOK!!! BIGTI!!! Tumingin-tingin pa ako sa paligid baka may biglang bumulaga na lang at nakasilip na sa monitor ko! Waaaaa! Sira ang reputasyon ko!

Tinignan ko ang search result... Hmmmm... Alin ba dito ang dapat kong buksan. Mini-mini-myni-mo! Nag-click ako ng isa sa mga ito. Pero biglang napaluwa ang mga mata ko sa nakita ko!

"ASUSMARIOSEFFFFF!!!! ANO BA ITO!! "

Bigla kong isinara ang laptop ko at pakiramdam ko ay bagay na bagay na sa akin ngayon ang pangalan ko! Ang hinahanap ko ay kung paano maging girl.. mag-transform! E talagang transformation talaga ang ipinakita sa akin. Literal! as in literal na pagtransform ng lalake hanggang sa maging babae! May mga litrato pa! halaaaaaaaa!!! Anu va namayn eyong naketa kuhhhhhh!!!! Kahit puro lalake ang mga kasama ko dati ay NEVER akong nakakita ng mga ikinatatago tago nila! KADIRI! Alam nilang pagpupuputulin ko ang mga ano nila at tatadtarin ko ng pinong pino kapag may nangahas na mambastos sa kin. At alam nilang tototohanin ko yon!

Hindi makakatulong sa kin yang google na yan. Kono-corrupt lang ang mala-inosente kong pag-iisip! Wahahaha! Inosente daw o? Sa mga bagay na ganon. Pero kung paano mag torture ng tao, turuan ko pa kayo non.

Pumunta ako sa walk-in close ko at nag-imbentaryo ng mga laman nito. Naalala ko ang mga sabi sa kin ni Dr. Gin bulag, pangit daw yung mga itim na damit ko na may bungo-bungo. Ok! Sige! Pangit kung pangit! Tsugi kayo ngayon. Inilabas ko lahat ng damit kong may sa demonyo at halos nangalahati ang laman ng cabinet ko. Kumuha ako ng trash bag at isinilid ko itong lahat sa loob. Parang ayoko din namang i-donate, baka masapian pa yung mag-sosoot ng mga yan, kasalanan ko pa! Itatapon ko na lang.

Yung mga natira sa cabinet ko ay puro si erpats o si future ermats ang namili. ka-style kasi ni prinsesang hilaw ang mga damit. Yung tipong nakakabading! ANG PAPANGIT! Ano ba itong mga damit na to?! Parang hindi ko naman maatim kahit isukat man lang ang mga ito!

Lalabas na sana ako ng walk-in closet ng maalala ko ang mga sinabi ni Dr. Alak... It's my job daw to distract Mr. Alien. Kahit na sobrang labag sa loob ko ay nag-about-face ako. Humarap ako sa closet at tinakpan ko ang mata ko. Bahala na! kung ano ang madampot kong damit, iyon ang isusukat ko! Dumukot ako ng isang damit at binuksan ko ang mga mata ko para makit ang nakuha kong damit.

EEEEEEWWWWW.. PINK! KADIRI!

Mind over matter na lang..bakit ba naman kasi puro pink ang pinagbibibili ni future ermats! Mas matatanggap ko pang isuot ang kulay pula. At least kapangalan ko! Nagkibit balikat ako, subok lang naman.. Maisukat na nga!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon