Chapter 34 part 1

51.5K 1.2K 170
                                    

Date uploaded 4-15-15

AN. pinutol ko muna... busy lola nyo. hindi makapag-concentrate magsulat... 


Chapter 34 Part 1

Red

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay dali-dali kong hinubad ang suot ko. Naghanap ako ng ng mga dati kong damit, ang problema, nasunog ko na ang lahat ng iyon. Naghanap na lang ako sa drawer ko ng kahit na anong komportableng damit. Hindi yung mga designer ek ek na pilit kong isinusuot para lang magmukha akong disente. Ginawa ko lang naman ang mga sinabi nila dahil gusto kong magustuhan anko ni Chinito.

Nanikip ang dibdib ko at naramdaman ko na lang na may tumulong luha. Mabilis na pinahid ko ito. Ayokong umiyak! Hindi iniiyakan ang mga bagay na 'to. Bato ako!

Pero bakit ang sakit?

Tatapusin ko na itong kalokohang ginagawa ko. Dahil kahit kailan, hindi ako magiging ate ko. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Lumabas ako ng cabin, bitbit bitbit ang napakagandang gown na dinesign ni Mother Reyna para lang sa ate ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinasuot nila sa akin ito. Para ba makita ni Josh si ate sa katauhan ko? Ang pagkakamakeup sa akin pati na rin ang ayos ng buhok ko?

Inilapag ko sa damuhan ang gown at kinuha ko ang posporo sa bulsa ng maong ko at sinilaban ko ang damit.

Tama na. Ayoko na. Hindi ako replacement ni Sky at kahit kailan ay hindi ako magiging katulad nya.

***

(A few hours earlier)

Para akong nakasakay sa ulap dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. para akong lumilipad sa alapaap! Baduy na kung baduy, e sa ganito ang nararamdaman ko. Mapipigilan ko ba 'to? Nakaapak pa din ako sa paa ni Chinito at sunod sunuran ako sa mga galaw nya. Pakiramdam ko ay pagmamay-ari namin itong dancefloor at kaming dalawa ang nagsasayaw sa gitna. Ipinikit ko ang mga mata ko. Kung pantasya man ito o panaghinip, sana hindi na ito matapos. Sana hindi na ako magising.

"Josh. Totoo ka ba? Ikaw ba takaga yan? " pabulong na sinabi ko na parang tinatanong ko ang sarili ko.

"I'm real."

Nyiks! Narnig nya ang sinabi ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa sa balikat nya para madali nya akong marinig. Hindi ko kasi feel magkipagsabayan sa lakas ng tunig ng banda,

"Talaga? Hindi ka lang kaya sinasaniban?"

Napangisi sya.

"And what made you think that?"

"Para kasing... Para kasing... Para kang ewan."

"Define ewan?"

Ang hirap talagang kausap ng henyo, parang nagle-lecture palagi.

"Basta.. Ewan. Iyon na yon. But I like it. Sana palagi ka na lang ganito."

"Palaging mukhang ewan?"

"Ganon na nga."

"You're too weird."

"So? Ano ngayon?"

HIndi na sya sumagot at nagpatuloy lang kami sa pagsayaw hanggang matapos ang kanta ng banda. Bumaba na ako sa paa nya, baka naman nangangamatis na yung paa nya sa bigat kong ito. kawawa naman baka buhatin ko pa sya mamaya.

"Stay here, I'll get your shoes."

"Wag na. Sabay na nating kunin. Mas ok sa akin itong nakapaa. HIndi na-to-torture itong paa ko."

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon