Chapter 41

42.8K 1.3K 136
                                    

Date uploaded : 5-28-15


Chapter 41


Red


"Josh???? " Pilit kong inaabot si Josh, pero habang inaabot ko sya ay parang mas lalo syang lumalayo! "JOSH!!!!........ JOSHUA!!!! " Halos hindi ko na sya makita at parang nilalamon na ako ng puting ilaw! Hindi pwedeng malayo ako sa kanya! May sasabihin pa sya e...

"JOOOOSSSHHHUUUUAAAAA!!!!!!!

Bigla akong napamulat ng mata. Wala na ang Nakakasilaw na liwanag. Lumigid ang paningin ko.


"Nasaan ako?" Halos walang boses na lumabas sa bibig ko.


"Rhain.... Thank God you're awake! " hinawakan ni erpats ang kamay ko at pinisil ito. "Please lie down" inasistehan nya akong humiga ulit. Tama nga sya, kailangan ko ulit humiga dahil halos mapaluha ako sa sari-saring sakit ng katawan ko sa konting pagkilos ko lang. Pansin ko na naka-benda ang iba't ibang bahagi ng katawan ko. Pero ang pinakamasakit ay ang likod ng ulo ko.

Lumapit sa kama si tita shiela at mangiyak-ngiyak din. Pansin ko na gusto nya akong yakapin pero ponipigil nya ang sarili nya dahil sa kalagayan ko.


"We're just glad you're alive. We thought..... We thought..." Tuluyan ng kumawala ang mga luha ni tita shiela at inakbayan naman sya ni erpats na maluha-luha din. Hindi bagay a! Ang astig na tatay ko, nagiging pusong mamon?

In fairness, medyo lumolobo ang puso ko. Pakiramdam ko mahalaga ako sa kanila. Mahalaga nga ba? O natakot lang dahil muntik ng mawala ang tagapagmana nya.


Hindi ako sanay sa kadramahan na 'to!


"Ano po bang nangyari? Para namang pinaglamayan nyo na ako." Halos wala pa ding boses na lumalabas sa bibig ko. Masyadong tuyo ang lalamunan ko. Napansin ito ni Tita shiela at kumuha sya ng mineral water. Nilagyan nya ito ng straw at saka nya ako pinainom. Nakatulong naman ang tubig at naginhawaan ang lalamunan ko.


"Si Josh? Nasaan sya? Gusto ko syang makita. "


Nagkatinginan si erpats at si Tita Shiela. Parang may kumurot sa puso ko. Anong ibig sabihin ng mga tingin na 'yon?


"Naalala ko... " Ipinikit ko ang mga mata ko, at naalala ko ang mukha ni Josh. "Sya ang nakakita sa akin sa bodega ng mga sindikato. naalala ko, hinang-hina ako noon, pero inakay nya ako palayo sa uncle kong sira-ulo.


Niligtas nya ako diba?"


Hindi sumagot si Erpats. "Diba?"


Bakit ganon ang mga mukha nila? Parang may nangyaring masama.


Pinilit kong tumayo pero todo naman ang pigil sa akin ni Tita Shiela at ni Erpats.


"Kailangan ko syang makita. Kailangan kong magpasalamat sa kanya."


"You just recovered from a very serious condition. We almost lost you. So please. Please Rhain... You need to rest. "

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon