Chapter 38 part 2

36.3K 1.2K 114
                                    

Date uploaded: 5-17-15

AN... Ok... another installment... maikli lang ulit ito...


Chapter 38 Part 2


Alex


Halos sumiklab ang dibdib ko noong nakita ko ang lalakeng kausap ang leader ng sindikato.


"That's him!" Pabulong na sabi ko sa mga kasama ko. Nakita ko din na humigpit ang pagkakahawak ni Josh sa bintana at halos mamuti na ang kamay nya.


Nakasilip kami sa bintana ng bodega dito sa isang lugar sa Maynila. Itinuro sa amin ni Isko ang hideout ng sindikatong kumuha kay Red. Kasamahan pala ni Red si Isko dati. Malaki ang utang na loob nya kay Red dahil minsan na sya nitong iniligtas. Kaya kahit na malalagot sya sa sindikato ay itinuro pa din nya sa amin kung nasaan si Red kahit magiging delikado ang buhay nya ngayon.


'We have to do something! " Sabi ko. "Kinakabahan ako sa pwedeng magyari kay Red. You know that psychopath. He will not hesitate to harm her." Pinigilan ko na ang sarili ko dahil muntik ko nang masabi na kaya nyang patayin si Red, katulad ng nangyari kay Sky, at ayokong mangyari yon. Ayoko ng mawalan ng kaibigan. Sa sandaling panahon na magkakilala kami ni Red, napalapit na sya sa akin. Para ko na din syang kapatid. And I can't let anything happen to her.


"We are going to wait for the police." Madiing sinabi ni Zia. "We can still wait for a few minutes. Paparating na sila!"


"Maraming pwedeng magyari sa ilang minuto. It only takes a few seconds to pull the trigger! Tutunganga na lang ba tayo?"


"And what are you going to do? You're not even armed! Unless tinatago mo yung katana mo sa loob ng damit mo."


Naku naman si ZIA!!!! Pakontrabida na naman e! Hindi ba nya nakikita na kailangang kailangan na naming i-rescue si Red? Pero hindi ko din naman sya masisisi. Nakakatrauma ang nangyari dati. Nag-agaw buhay si Chloe, tapos namatay naman si Sky. Alam kong ayaw na nyang may mangyari sa kahit na isa sa amin.


"Sa nakikita ko, mas delikado ang mga tao dyan sa loob kumpara sa mga hinarap nyo dati. Alex, please, makinig ka naman. Charles will kill me if I let something happen to you."


"And I will never forgive myself if something happen to Red when we can do something to help her. " tumingin ako sa paligid para humanap ng kung anong pwedeng gawing sandata. But I'm not the only one who's doing that. Naunahan na ako ni Josh. Nakakita ako ng mahabang tubo. Napangisi ako. pwede na ito. Hindi lang naman ako sa katana magaling.


Si Josh naman ay king ano ano ang ginagawa. May kinuha syang isang lata na naglalaman ng kung anong chemical at ibinuhos nya ito sa isang maliit na drum. Iniligay nya yon sa may malapit sa pintuan ng bodega. Inulit na naman nya ang ginawa nya at ipinuwento naman nya iyon sa ibang lugar.


"What are you doing?"


"A diversion." Diretso pa din sya sa ginagawa nya. "They outnumbered us. And if they can take out Red, I can assume that they are much more stronger. So the only way that we can get Red is to outwit them. "

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon