/ML-4/

61 37 81
                                    

THIRD PERSON

"Alam mo pre, katakot ka kanina ha. Masyado kang serious."

Hindi na lang pinansin ni Henry ang sinabi ni Mason. Ginala niya ang paningin para maghanap ng kotse na puwede nilang gamitin.

May natanaw silang mga sasakyan sa isang gilid kaya kaagad nila itong nilapitan.

"Eto ha, atin-atin lang 'to mga bro. Madalas kong naririnig mga usapan nina Tinley about kay El. Ang sabi crush ka daw niya matagal na. Biruin mo 'yun? Grabe pre, 'di mo man lang ba i-eentertain si El? I mean, maganda naman siya, mabait, funny at 'saka---"

"Really? Is that true?" kunot-noong tanong nito na mukhang interesado.

Natigilan si Henry sa kinatatayuan at kaagad na magsalubong ang kilay.

Masama namang tiningnan ni Enzo si Mason na mukhang natutuwa pa sa nangyayari sa pagitan nila ni Henry.

"Oo pre. Gano'n 'yon kaya kung ako sa'yo dadamoves na ko riyan kay El kasi baka may mauna pang iba." nakangising wika ni Mason sabay tapon ng tingin kay Enzo na mukhang naiinis na.

"Cute." Napangiti lang ng tipid si Henry at nagkibit-balikat 'saka sinimulang sipatin ang sasakyan.

Lumapit naman si Enzo kay Mason pero kaagad na lumayo ang lalaki at nagtago pa sa likod ni Henry. Nagpeace-sign lang si Mason pero sininghalan lang siya ni Enzo.

Halos lahat ng sasakyan ay tiningnan na nila pero ni isa doon ay walang gumana. Kung hindi nagana, 'yung iba ay kinakalawang na o kaya ay sira-sira ang makina.

"Ano ba naman 'yan, ano bang klaseng mga kotseng 'to, walang kwenta." pagod na reklamo ni Mason at 'saka umupo sa sahig dahil sa pagod kalalakad.

"This is useless. All the cars here are not working." nagtatakang saad ni Enzo habang pinagmamasdan ang paligid.

"Then how the hell are we suppose to get out of this place?" tanong ni Mason 'saka tiningnan ang mga kasama.

Tahimik lang si Henry at malalim ang iniisip dahil 'yun din ang tanong niya. Paano nga ba sila makakaalis kung wala silang sasakyan?

They don't have a choice but to walk on foot. Kung ayaw na nilang manatili pa sa lugar na 'to ay kailangan na nilang kumilos dahil malapit nang dumilim.

"I guess we'll walk. May napansin ako kaninang gas station sa malapit. Kailangan nating makarating doon bago tuluyang gumabi," seryosong wika ni Henry sa dalawang kasama. Sumang-ayon naman ang dalawa.

"Wait, ako lang ba o dumidilim na? Akala ko ba alas kwatro pa lang ng hapon pero bakit---holy mother of God!" Natigilan si Mason sa pagsasalita dahil sa nakikita niya sa langit.

Mayroong daan-daang mga ibon ang paparating at dahil sa sobrang dami nila ay natatakpan na ang langit at sinakop ng kadiliman ang paligid.

"Where the hell did those birds come from?!" bulyaw ni Enzo habang hindi makapaniwala sa nakikita.

Papalapit na ng papalapit ang mga ito sa direksiyon nila kaya nanlaki na lang ang mata nila at napaatras nang mapansing patungo ito sa kinatatayuan nila.

"Fuck! They're coming after us! Run!" tarantang sigaw ni Henry at 'saka kumaripas ng takbo.

Sumunod naman ang dalawa at sinundan ang tinakbuhan ni Henry.

"We need to fucking hide! Feeling ko kakainin nila tayo ng 'di oras!" bulalas ni Mason habang madapa-dapang tumatakbo.

"Ahh! Tulong! Shit!" Napahinto ang mga lalaki sa pagtakbo ng marinig ang hiyaw ni Enzo.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon