/ML-10/

31 20 25
                                    

THIRD PERSON



Paulit-ulit na napapamura si Mason habang tinatahak ang daan pabalik sa lugar.



Sa isip-isip niya ay bumubuo na siya ng plano kung paano babangasan si Henry pagbalik niya.



"Hah, akala mo kung sino! Utusan ba naman akong bumalik dito eh pwede naman siyang sumama. Ako pa talaga mag-isa." reklamo nito sa pagitan ng paglalakad.



Napayakap na lang siya sa sarili danil sa malamig na hangin na buglang dumapo sa kaniyang balat. Nakakabinging katahimikan ang bumati sa kaniya sabayan mo pa ng walang katao-taong lugar.



Pakiramdam tuloy niya ay may nagmamasid sa kaniya kung saan kahit na maliwanag ang paligid dahil sa araw.



Napapalingon siya sa mga luma at abandonadong building dahil pakiramdam niya ay may nanonood sa kaniya pero sa tuwing napapalingon siya ay wala namang kung ano roon.



Napapikit na lang siya ng mata at napasampal sa pisngi dahil kung anu-ano ang kaniyang naiisip.



Dahil sa takot at ayaw niyang manatili pa sa lugar lalo na't mag-isa lang siya ay mas binilisan niya ang paglakad at kaagad na naghanap ng bakanteng lugar kung saan puwedeng makakitanng lubid o kubg anumang bagay na makakapagligtas kay Gaia.



Pumasok siya sa isang bahay at kaagad na pumasok roon. Hinalughog niya ang mga kabinet at mga lalagyan sa buong kabahayan hanggang sa napunta siya sa basement.



"Jackpot!" galak niyang saad nang makakita ng mahabang lubid na nakasabit sa pako kaya kaagad niya itong kinuha at umakyat.



Pagkabukas niya ng pinto ay may nakita siyang isang babae ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan niya.



Nakatayo ito sa tapat niya at hindi ito gumagalaw. Tinatangay ng hangin ang buhok at ang suot nitong bestida.



Dahil medyo malayo ang kinaroroonan ng babae ay hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.



"Holy shit. Totoo ba 'tong nakikita ko? May tao rito maliban sa'min?" bulong niya habang pinakatitigan ang babae.



Naisip niyang baka namamalikmata lang siya kaya kinusot niya ang mga mata para malaman kung totoo ba ito o hindi.



Pagkamulat niya ng mata ay wala siyang nakitang babae na nakatayo kanina kung saan niya ito nakita.



"What the hell?" kunot-noo niyang tanong at 'saka luminga-linga sa paligid, hinahanap ang babaeng bigla na lang nawala.



Hindi na niya ito masyadong pinagtuunanan ng pansin dahil may naghihintay pa sa kaniya kaya nagkibit-balikat na lang siya at nagsimulang maglakad papunta sa mga kasama niya.



Sa gitna ng paglalakad niya'y may naramdanan siyang kung aning dumaan sa likuran niya kaya kaagad siyang lumingon pero wala siyang naabutan doon.



Napailing na lang siya dahil doon at naisip na baka napa-paranoid lamang.



Nagpatuloy siya sa paglalakad pero kaagad din siyang napatigil ng makita nanaman niya ang babae na kadadaan lang sa kaniyang harapan.



Nang sundan niya ito ng tingin ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.



Sa oras na 'yon ay naramdaman niyang may iba ng nangyayari at hindi na ito maganda.



Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon