/ML-15/

16 14 14
                                    

ELEANOR

Pare-parehas kaming tulala at tahimik matapos ng nangyari. Masyadong mabilis ang pangyayari.

Naiinis ako dahil kung hindi sa katangahan ko ay sana nakaaakyat din dito sa itaas si Henry. Sana kumpleto kami.
Kahit sinabi na ng mga kasama ko na hindi ko kasalanan ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa matinding frustration na nararamdaman.

Kamusta na kaya si Henry? Ano kayang ginawa nila sa kaniya? Sana naman ay huwag muna nila siyang galawin. Ayos lang kaya siya roon? O baka naman ay binubugbog na siya at pinapahirapan.

Iniisip ko pa lang ay naiiyak na ako. Paano pa kaya kapag nakita na namin siya iba ang itsura.

Pilit kong inaalis sa isip ko ang senaryo at ibinalik ito sa kasalukuyan.

"Kailangan natin silang sundan. Kung saan man nila dinala si Henry. Kailangan natin siyang iligtas," pahayag ko sa mga kasama ko.

"Sang-ayon ako sa'yo pero hindi ko na matandaan kung saang direksiyon sila nagpunta. Baka maligaw lang tayo." sagot naman ni Mason.

Hindi puwede. Kailangan naming kumilos dahil anumang oras ay baka may nangyayari nang hindi maganda sa kaniya.

"Ako natatandaan ko." sabat ni Gaia. Nabuhayan ako ng loob dahil doon.

"Medyo mataas itong puno at ang dilim pa. Baka madulas tayo nito. Nasa ibaba pa naman ang flashlight." saad ni Mason.

Tama siya. Hindi namin namalayan na nahulog na pala namin ang aming mga flashlight kanina dahil abala kami sa pag-akyat sa puno.

"Dala ko ang akin." Nilabas ni Gaia ang flashlight kaya nakaginhawa ako.

"Ako na ang mauuna." boluntaryo ko.

Binigyan nila ako ng nag-aalalang tingin pero nginitian ko lang sila na parang sinasabing magiging maayos lang ako.

"Iilawan kita. Mag-iingat ka." bilin ni Gaia. Tumango lang ako sa kaniya.

Nagsimula na akong pumorma at inilaylay ang isang paa sa sangay ng puno sa ibaba. Ikinapit ko rin ang mga kamay ko sa sangay at sinimulang bigatan ang pwersa ng katawan ko para bumaba.

Ano ba naman ito. Mabilis kapag umakyat pero ang hirap pala kapag bumaba na.

Naging maingay ay mabagal ang pagbaba ko at sa kabutihang-palad ay ligtas akong nakalapag sa lupa.

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang aking kamay. Hingal na hingal din ako.

Pinulot ko ang tatlong flashlight na nahulog. Inilawan ko muna ang paligid para alamin kung may iba pa ng nilalang ang nandito at nang makitang wala ay itinutok ko ito sa mga kasama ko na nag-iintay sa itaas.

"We're safe. Puwede na kayong bumaba. Sinong susunod?" tanong ko sa mga ito.

"Mauna ka na kayo, Gaia, Tinley. Mahuhuli ako." pahayag ni Mason.

Sumang-ayon naman ang dalawa. Nauna si Tinley. Katulad ko ay maayos din siyang nakalapag. Sumunod ay si Gaia.

Nag-aalala pa ako dahil may bali pa siya sa paa. Baka kasi biglang kumirot ang paa niya at madulas bigla.

"Alalayan natin si Gaia. Sa tingin ko ay may pilay pa siya." Tinapik ko ang likod niya na siyang kinatango niya.

Nakatingala at nakatingin kami sa hirap na hirap bumaba na si Gaia. Bakas sa kaniyang mukha na nahihirapan siya pero pinipilit niya lang na bumaba.

"Gaia! Dahan-dahan lang sa pagbaba! Baka mahulog ka!" paalala ko sa kaniya.

Malapit na siyang makababa at nang hanggang isang apak na lang siya ay kaagad namin siyang sinalo ni Tinley.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon