/ML-16/

17 13 15
                                    

ELEANOR

"We've been walking for half an hour. Sa tingin niyo maabutan pa nating buhay si Henry?"

Ni isa sa amin ay walang nakasagot sa tanong ni Tinley.

Pare-parehas na kaming pagod. Simula kanina ng hinabol kami ng mga matatangkad na lalaki hanggang sa gubat at ngayong kasalukuyang naglalakad kami sa gitna ng kagubatan.

Nawala na rin ang kinain namin dahil nakalipas na ang kalahating oras kaya ngayon parang nauubos na naman ang lakas namin.

Dagdagan pa na hindi namin mahanap kung nasaan si Henry.

Sa ilang minuto pa na paglalakad sa gitna ng gubat, may narinig kaming malakas na sugaw hindi kalayuan sa'min.

Sa pamamagitan ng pagtinginan naming apat ay alam naming si Henry ito base sa boses.

Nagsitanguan kami sa isa't-isa na parang alam na ang gagawin.

"Let's go!"

Sa pangunguna ko ay sinundan ko ang pinagmumulan ng boses. "Bilisan niyo!" sigaw ko sa kanila.

Hindi magkamayaw sa pagkabog ng dibdib ko sa kaba dahil base sa pagsigaw ni Henry ay parang nahihirapan ito.

Shit! Anong ginagawa nila sa kaniya?

Lakad takbo na ang ginagawa namin at sa sandaling malapit na kami ay may nakita kaming isang lumang cabin.

Sa sobrang luma nito ay mistulang guguho na ito sa isang pitik lang. Sira-sira ang bubong at mga pader pero kahit gano'n ay himalang nakatayo pa rin ito.

Pumunta ako sa harapan ng pintuan para buksan ito pero may kung anong bagay ang nakaharang sa kabila para hindi ito mabuksan. Wala kasi itong doorknob. Ibig sabihin ay may nakadagan sa kabilang kaya hindi kami tuluyang makapasok.

Nakita kong saglit na ibinaba nina Mason at Tinley si Gaia.

"Ako na!" Tumabi ako para hayaan si Mason na banggain ang pintuan.

Ilang beses pa niya itong ginawa hanggang sa tuluyang nagbukas ang pinto. Dahil sa lakas ay natumba ang pinto sa sahig na lumikha ng kalabag.

At doon sa gitna ng silid ay ang isang tanawin na kahindik-hindik.

Nasa isang pabilog na kulungan si Henry. May mga matutulis na iba't-ibang patalim at espada ang nakakonekta roon. Nakatutok ang lahat ng ito sa katawan ni Henry na parang sa isang pagkakamaling galaw lang ay paniguradong matutusok siya.

May mga tumutulo nang dugo sa tagiliran, paa at braso ni Henry. Pinagpapawisan na rin ito at halos mapuno na ng luha ang mukha niya.

Kung titingnan ay talagang kalunos-lunos ang kalagayan niya. Napatakip na lang ako sa bibig dahil sa matinding pagkagulat.

Gayon din ang mga kasama ko na gulat na gulat sa naabutan.

"Fuck! Henry!" Nagmamadaling lumapit si Mason sa direksiyon ni Henry.

"Anong... ginawa nila sa'yo?" nanghihinang tanong ko.

"Tu...long," sambit nito kaya wala na kaming inaksayang oras para tulungan siya at pakawalan.

"'Wag kang mag-alala, iaalis ka namin dito, okay?" Hindi na niya ako sinagot dahil napayuko na lang ito na parang pagod na pagod.

"Masyadong maraming espada! Nagkabuho-buhol na! Hindi ko alam kung anong bubunutin!" inis na sambit ni Mason.

Akmang bubunutin niya ang isang espada na nakausli sa gilid ay siya ring pag-angat ng ulo ni Henry at ang napakalakas na sigaw nito.

"Ahhh!"

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon