/ML-8/

39 25 47
                                    

A/N: Hi guys, I just want to say this. I want to thank to those people and to my co-authors that giving me a feedback regarding this story and I'm really overwhelmed by it.

Hindi ko alam na magugustuhan nila ang story na 'to and I hope na sana suportahan niyo ako hanggang sa huli. Thank you very much!

So yeah, here's an update for ya'll! Enjoy!

-----



ELEANOR



We're still mourning for Enzo's death here we are, facing another problem that seems endless.



"Oh God, they're coming. We have to get out of this hellhole," pahayag ni Tinley habang nakatanaw sa pasilyo sa may kanan namin.



Doon, sabay-sabay na naglalakad ang mga taong nakasuot ng itim at mahabang roba, papunta ang mga ito sa amin.



Paatras kami ng paatras hanggang sa nakarating kami sa gitna.



"This way," saad ni Henry kaya kaagad kaming sumunod sa kaniya sa kabilang pasilyo pero bumungad doon ang mga alagang aso ni Mr. Darcy.



Ang iisang daanan na lang na pwede naming tahakin ay sa gitna at hindi namin alam kung saan kami dadalhin nito.



Pero wala kaming magagawa kundi pumunta roon kaysa naman pagpiyestahan ng mga nilalang na ito ang katawan namin.



Mula sa kaliwa ay nagsilabasan ang mga matutulis na ngipin ng mga aso at handang-handa na silang sumugod.



Samantalang sa kaliwa naman namin ay ang mga halimaw na katulad ni Mr. Darcy na ngayon ay nakalantad ang mga mukha dahilan para makita muli namin ang kahindik-hindik nitong mga itsura.



"Shit! We're trapped!" bulalas ni Mason na hindi mapakali sa kinatatayuan.



Nilipat-lipat ko ang paningin sa dalawang panig na anumang oras ay pupunta sa amin.



"No we're not. There's still a way." tugon ko sa mga ito sabay tingin sa may gitnang pasilyo.



Wala akong ideya kung saan ito patungo pero ito lang ang tanging daan para makatakas at maakalis sa lugar na 'to.



Mamaya-maya ay biglang nagsitakbuhan ang magkabilang panig kaya nataranta kami at walang inaksayang oras na tumakbo sa nakasaradong pintuan.



"Quick! Open the door!" dahil nauuna kaming mga babae na tumakbo at nahuhuli ang mga lalaki ay kami ang nakatoka para buksan ang pintuan.



Masyadong mabigat ang pintuan kaya hindi namin ito mabuksan ng basta-basta na lalong nagpataranta sa amin.

Masyadong mabigat ang pintuan kaya hindi namin ito mabuksan ng basta-basta na lalong nagpataranta sa amin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon