/ML-2/

89 42 108
                                    

ELEANOR

"Hey, guys. Wanna stop for a while to eat and buy some stuff?" tawag pansin sa amin ni Mason habang nasa kalagitnaan ng biyahe.

Nakalipas na ang tatlong oras at hindi pa namin nararating ang lokasyon na sinasabi nila. Wala akong ideya kung saan kami papunta dahil sinama lang din ako ni Gaia. Pinilit niya ako kaya wala akong nagawa kundi sumama na lang.

Kung tutuusin e-enjoy-in ko na lang ang holiday week at matulog na lang maghapon kaysa magliwaliw at magpakapagod.

"Tamang-tama. Nagugutom na rin kasi ako." nakangusong sambit naman ni Tinley at bahagya pa nitong hinimas ang tiyan.

Well, gutom na rin ako kaya mas maganda siguro kung kakain muna kami bago kami magpatuloy.

Huminto kami sa tapat ng isang parang Ministop at pinarada ang van doon 'saka kami isa-isang nagsibabaan para pumasok sa loob.

Napansin kong nahuli si Henry bumaba pero hindi ko na lang siya pinansin. Papasok na din sana ako sa loob ng naalala kong naiwan ko pala ang wallet ko sa bag at nakalimutan itong dalhin.

Ano ba naman 'yan. Babalik pa tuloy ako roon. Kung kailan ayoko nang makita ang pagmumukha ni Henry, parang nananadya pa ang tadhana na magkrus ang landas namin.

Pumihit ako pabalik pero muntik na akong matumba dahil pagharap ko ay nandoon si Henry. Mas matangkad ito sa akin kaya dibdib niya ang nakikita ko kaya kailangan ko pang tumingala para masdan siya.

"Is this what you're looking for?" tanong nito habang hawak-hawak ang wallet ko.

Kaagad ko naman itong hinablot at kinuha ito ng tahimik.

Haharap na sana ako palayo pero naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ulit sa kaniya.

Tsk. Anong problema ng isang 'to?

Napalunok na lang ako ng malaman kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Napatingala ako para tingnan siya.

"Ano ba?!" singhal ko rito.

Kabaligtad ng inis na nararamdaman ko ay ang paglabog ng dibdib ko.

From his hypnotizing ocean blue eyes to his pointed nose. His red thin lips and those stubborn jaw that makes him more handsome. I must say that no one can resist this kind of face.

He's more handsome up close. Fuck it.

"Are you avoiding me?" He asked with his rough and manly voice.

Feeling ko manlalambot ang tuhod ko sa kaalamang ito ang unang beses na kinausap niya ako.

Shet. Ganito pala ako karupok? Kinakausap pa lang niya ako pero parang mahihimatay na 'ata ako.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya pero narinig na lang namin na may tumikhim.

"Hey, lovebirds. Baka gusto niyong pumasok ng makakain na tayo?" tanong ni Gaia na halatang pinipigilan ang ngiti.

Para naman akong nakahinga nang maluwag ng mangyari 'yon kaya dali-dali akong tumalikod at sumabay kay Gaia na ngayon ay nakangiti ng nakakaloko. Bahagya niya pang binangga ang balikat ko na parang nang-aasar.

"Don't you dare say it, Gaia," Pigil ko rito bago pa man ito magsalita.

Mahirap na, baka marinig pa ni Henry ang kung anong pang-aasar niya. Ang lakas pa naman ng boses niya.

"Wala naman akong ginagawa," Natatawang saad nito pero inirapan ko lang siya at pumunta sa counter para mag-order ng makakain.

Habang kumakain ay napansin kong panay ang cellphone ni Mason kaya medyo nahuhuli siyang kumain kaysa sa amin.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon