/ML-11/

21 14 22
                                    

A/N: Chill muna tayo ngayon, saka na ang habulan at patayan hahaha. Enjoy reading!

-----

ELEANOR

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa entrada ng Mod Lanterns. Tahimik ang bawat isa sa amin at wala ni isa ang nagsasalita.

Ramdam ko ang mabigat na tensyon sa aming lima matapos ng nangyari kani-kanina lang.

Akay-akay namin ni Tinley si Gaia dahil hindi pa rin humuhilom ang pilay niya sa paa. Kasalukuyan itong namamaga pero nakakalakad naman siya kahit papaano.

Napasulyap ako sa gawi ni Mason, sinisipa-sipa niya ang mga maliliit na batong nadaraanan niya. Samantalang si Henry ay seryoso ang mukha na para bang malalim ang iniisip.

Well, lagi naman ganiyan ang porma ng mukha niya. Kailan ko ba siya nakita ngumiti? Sa oras na 'to ay hindi namin 'yon magagawa dahil hindi naman nakakatuwa ang nangyayari sa amin.

Ang tanong ko lang ay hanggang kailan kami sa lugar na 'to? Makakaalis pa ba kami ng buhay at magkakasama? Pagkatapos ng nasaksihan namin kagabi ay mukhang malabong makaalis kami.

Ipinagtataka ko rin kung saan ba nanggaling ang mga nilalang na nakita namin? Paanong nagkaroon ng mga ganon sa isang abandonado at walang taong lugar?

Mabuti at hindi sila nakakalabas sa Mod Lanterns.

Hindi rin ako makapaniwala na nakapatay ako. Parang ang brutal tuloy pakinggan pero tama lang naman ang ginawa ko 'di ba?

Kung hindi ko siguro pinugutan ng ulo si Mr. Darcy ay malamang ay pinagpipiyestahan na nila ang mga katawan namin.

Naisip ko tuloy ang nga tauhan niya, paniguradong marami pa sila sa loob at naghihintay lang ng tiyempo kung kailan lalabas isama mo pa ang mga alaga nilang aso.

Pero may napansin akong kakaiba kanina. Habang hinahabol kami ng mga aso palabas ay bigla na lang silang nawala na parang bula.

Sumulpot sa isipan ko ang sinabi ni Tinley na unti-unti na lang daw silang nawala.

Just what the hell did that suppose to mean?

Sa totoo lang ay hindi ko alam. 'Yan din ang naisip ko kanina pa.

Simula nang lumiwanag ang paligid ay mistulang nawala ang mabigat at nakakatakot na atmospera sa paligid.

Hindi katulad nung dumilim na halos tayuan ka ng balahibo sa katawan dahil sa kakaibang hangin na bumabalot sa lugar.

Hindi kaya?

Imposible. Pero paano kung totoo nga?

Na sa gabi lang sumusulpog ang mga nilalang. Nawawala o naglalaho lang sila kapag lumiwanag na.

Pero kahit gano'n ay hindi dapat kamu pakampante. Kailangan pa rin naming obsernahan ang paligid kung sakalaing mag ibang nilalang na naman ang biglang sumulpot sa kung saan.

Mahirap na lalo't mukhang kami lang ang katao-tao rito.

"Wait, dito muna kayo," Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig kong nagsalita si Henry.

Tumigil ang mga kasama ko dahil sa sinabi niya.

Mula sa kinatatayuan namin ay naglakad siya papasok sa isang malawak na eskinita.

Mula sa kinatatayuan namin ay naglakad siya papasok sa isang malawak na eskinita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon