/ML-9/

33 24 44
                                    

ELEANOR


"Guys, are we sure about this?" hindi siguradong tanong ni Mason habang naglalakad kami papalapit sa makapal na hamog.


"We all know that we don't have any choice aside from this," sagot ni Henry.



Ilang hakbang pa ay makakapasok na kaming muli sa kinalalagyan ng hamog pero bago 'yon ay nagbilin muna si Henry.


"We need to hold each others hands. The moment we step onto those fogs, we may never see each other clearly. But please, be aware. Something dangerous might happen anytime. We shouldn't let our guards down. Are we clear?" seryosong pahayag nito 'saka kami tiningnan isa-isa.


Hindi ko alam kung paano at kung kailan pa siya naging magaling bilang nangunguna.

Ang alam lang namin ay pinagkakatiwalaan namin siya sa mga sinasabi at desisyon niya.


Mabilis at magaling siyang mag-isip ng mga ideya kung paano at ano ang susunod na gagawin.


Nilahad namin ang mga palad namin at pinaghawak 'yon kapagkuwan. Hawak ko ang kamay ni Tinley sa kanan at kay Gaia sa kabila. Hawak naman ni Gaia ang kamay ni Mason at sunod si Henry.


Sabay-sabay kaming tumango at tuluyang lumagpas sa makakapal na hamog.



Katulad ng inaasahan, hindi namin nakikita ang isa't-isa pero hawak naman namin ang kamay ng bawat isa na nagsisilbing gabay na rin namin.


Hindi ko alam kung saang direksiyon kami patungo pero sumusunod lang ako kung saan man kami patungo.


"How can we know if we already reached the road?" tanong ni Tinley sa kabila ng nangyayari.


"I have no answer for that. We'll just keep walking until we found out where we are," sagot naman ni Henry.


Hindi ko maiwasang kabahan. Kahit pa sabihing umaga na at mukhang walang mga halimaw ang nanggugulo at sumusulpot, pakiramdam ko ay may mangyayari at may mangyayari pa ring hindi maganda.


Simula nang tumapak ako sa lugar na 'to, mukhang lumalakas ang instinct ko. Siguro gano'n din naman ang mga kasama ko lalo na't nasa abandonado kaming lugar.


"It's too quiet. It's making me uncomfortable," anas ni Mason kay Tinley na narinig ko dahil sa sobrang tahimik ng paligid.


Ni kulisap at kuliglig ay walang maririnig kundi nakakabinging katahimikan maliban sa mga yapak namin.


"Me too," rinig kong sagot ni Tinley.


"I'm not sure where exactly we are but I'm afraid we're not there yet," pahayag ni Henry.


Paano nga naman namin malalaman kung nasaan na kami kung hindi namin nakikita ang paligid namin?


Baka nga naliligaw na kami ng hindi namin namamalayan, e.


Sa hindi malamang dahilan, inobserbahan ko ang sahig na inaapakan namin. Para kasing may kakaiba roon kaya mas lalo ko itong pinakatitigan.


May nakikita akong iilang crack doon mga tipak ng lupa't bato. Pinaningkitan ko ang mata ko at yumuko para makita ito ng malapitan.


Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung anong nangyayari.


"Shit! Get back! There's a fucking cliff infront of us!" imporma ko sa mga kasama ko kaya nagsirinigan ko ang iba-ibang reaksiyon sa kanila.


Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon