/ML-6/

47 28 64
                                    

ELEANOR

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng bahay na tinuluyan namin habang nakasunod sa lalaking nasa harapan namin.

Wala akong ideya kung saan man kami pupunta at alam kong gano'n din ang iniisip nf mga kasama ko.

Should we trust this guy? But he did nothing wrong to us. Pero 'yung mga alaga niya, oo. Hinabol kami ng mga ito at kung hindi pa kami nakaisip ng paraan ay baka kasalukuyan na nilang pinagpipiyestahan ang mga katawan namin.

Somehow, he did saved us from those creatures but it doesn't mean na paglakatiwalaan na namin siya ng tuluyan.

I sense danger from this man. 'Di ko lang masabi kung ano 'yon.

Habang naglalakad ay nakasunod lang sa amin ang kaniyang mga alaga, hindi katulad kanina ay tahimik ang mga ito at mistulang mga among tupa.

Napatitig ako sa isang aso hanggang sa mukhang napansin ako nito. Lumabas ang ngipin nito at parang nainis sa ginawa kong pagtitig kaya nagsilabasan ang mga matutulis nitong ngipin at tinahulan ako.

Nabasag ant katahimikang namamayani dahil sa ginawa ng nilalang kaya naalerto rin ang mga kasama ko.

"Jesus," anas ni Mason habang nakahawak sa kaniyang dibdib dahil sa gulat.

Kaagad namang umaksyon ang lalaki at sinaway ang asong gusto na kaming sugurin.

"Shut up!" malakas na sigaw ng lalaki na dumagundong sa tahimil na paligid.

Napaatras kami dahil sa hindi inaasahang pagsigaw ng lalaki. Hindi ko maiwasang matakot sa ginawa nito sa alaga.

Mistula namang bumahag ang buntot ng aso at kaagad na umungot 'saka tumahimik.

Galit ang ekspresyon ng lalaki habang nakaturo sa aso pero kaagad din 'yong napalitan ng humarap siya sa amin.

Ngumiti ito ng tipid. "Sorry for that," Kinilabutan ako sa mabilis na pagpalit nito ng ekspresyon.

"Let's get going." tanging nasabi niya.

Nagkatinginan muna kaming lima bago nagpatuloy sa paglalakad.

Habang papalapit kami kung saan man kami patungo, padilim naman ng padilim ang paligid.

Medyo nag-panic pa kami dahil halos wala kaming makita at parang nangangapa na kami sa sobrang dilim.

"Hey, old man! Where the fuck are you?! Are you playing with us?!" Hindi napigilan ni Henry ang sumigaw dahil sa nangyayari.

Imbes na may marinig kaming tugon ay iba ang nangyari.

Biglang sumindi ang mga ilaw mula sa mga sulo na nakasabit sa pader kaya nagkaroon ng liwanag ang kaninang madilim na paligid.

Isa-isa nagkaroon ng apoy ang mga sulo. Sinundan namin ito ng tingin hanggang sa tumigil ito sa pinakadulo kung saan nandoon ang isang mataas na gate.

"What the hell?" anas ni Mason habang nakangangang nakatingin sa harapan.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at napansin kong nasa isa kaming makalumang lugar.

Para kaming dinala sa nakaraang lugar ng panahon dahil sa itsura nito.

Dahil walang electricity rito, tanging mga gasera at sulo ang ginagamit pang-ilaw at may iilang mga kabayo't karwahe ang makikita.

May mga iilan ding parang mga gwardiya o tagapagbantay ang nakakalat sa paligid at pawang sila ay nakasuot ng mahahabang roba na nakatakip sa kanilang ulo at katawan.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon