/ML-21/

5 0 0
                                    

ELEANOR

Parang lalabas ang puso ko ng makita ang mga taong kulto na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.

Kahit na nakatalukbong ang hitsura nila at hindi makita ang mukha ay hindi ko pa rin maiwasang matakot at manginig.

Hindi sila gumagalaw sa kinatatayuan nila at parang hinihintay lang nila kami na gumalaw.

Pigil ang hininga ng bawat isa samin habang nagpapakiramdaman kaming magkakaibigan. Nagtinginan kami, nag-uunahan kung sinong unang gagalaw.

"Guys! Ano, magtititigan lang ba tayo rito? Umalis na tayo!" Pabulong na sigaw ni (name).

"But I'm to scared to move! What if gumalaw tayo, gagalaw din sila?" Naiiyak na saad ni Tinley. Pansin ko ang nginig niya habang nakatingin sa mga taong kulto na nasa harapan namin.

"Hey, focus! It doesn't matter! Gagalaw man tayo o hindi, sa huli ay hahabulin pa rin nila tayo so we better run fast and try not to die!" Sabi ko para makuha ko ang pansin nila.

Mukhang nabawasan naman ang takot sa mga mukha nila at bahagyang tumango.

"Here's the plan. We have to make a run. Hindi na mahalaga kung saan tayo mapunta basta ang mahalagay ay magkakasama tayo at mailigaw natin 'yang mga taong kulto."

"El! This place is a maze! Hindi natin alam kung saan man tayo mapapadpad o kung anumang kapahamakan ang mag-iintay sa'tin!" Depensa ni Mason. Halayang ayaw niya sa naisip kong plano.

"Yeah, baka may mga iba pang nilalang ang nakatira rito at makasalubong natin." Pagsang-ayon naman ni Tinley.

Ramdam ko ang takot nila pero alam ko na kahit ayaw nila sa plano ko ay wala silang ibang maisip na paraan para makatakas.

"We don't have a choice. We don't come all the way here just to back out and cower. Marami na tayong napagdaan sa lugar na 'to sa loob lang ng ilang araw and guess what? We're still here. We lost some of our friends, yes, pero 'wag natin gawin 'yun na dahilan para sumuko. You guys, honestly, are the toughest and bravest person that I've ever known." Mahaba kong sabi.

Masyadong takot si Tinley habang si Mason ay wala sa tamang diwa para makapag-isip ng matino kaya ako na ang nagkukusa para palakasin ang loob nila.

Isa pa, para na rin magkaroon sila ng pag-asa dahil kung pati ako ay hindi magagawa ang bagay na 'yon, paniguradong hindi kami makakarating sa kung saan kami ngayon.

At 'yun ang ayaw na ayaw kong mangyari. Kailangan kong mag-focus at maging matatag para sa mga kaibigan ko. Sama-sama kaming napunta sa lugar na kaya sama-sama rin kaming aalis.

"Come on, guys. Ang isipin niyo na lang na kaya tayo tatakbo ay dahil naghahanap tayo ng daan palabas. Alam kong pagod na kayo sa kakatakbo para sa mga buhay niyo pero at least, sinusubukan natin dahil 'yun ang nararapat. Pero hindi 'yun mangyayari kung magtatalo tayo at hindi magkakasundo." Dagdag ko pa.

Sana naman ay sapat na ang sinabi ko para mabuhayan sila ng loob. Alam kong sa kabila ng nangyayari, naiisip pa rin nila ang nangyari sa mga kaibigan namin.

Masakit mawalan ng kaibigan lalo na at kung matagal mo na silang kasama pero hindi mababalik ang buhay nila kung wala kaming gagawin.

Hindi namin hahayaan na ang sakripisyo at pagkamatay nila ay mapupunta sa wala. Hindi nila gugustuhin na sumuko kami at tanggapin ang kung anumang mangyayari sa hinaharap.

Natigilan ang dalawa at napatitig sila sa'kin saglit at saka nagtinginan.

"Damn, El. Mamamatay na tayo at lahat-lahat, nagagawa mo pa kaming paiyakin." Kahit medyo madilim sa pwesto namin ay napansin ko ang luha ni Mason na muntik ng mahulog kung hindi niya ito pinunasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon