/ML-5/

66 36 92
                                    

THIRD PERSON

"Oh, man. Napakahusay talaga nitong si pareng Henry. Iniwan ba naman ako rito?! No offense bro hehe," Sabay tingin niya kay Enzo na wala pa ring imik hanggang ngayon dahil iniinda ang sakit ng mga sugat niya.

"Hmmm," tanging nasagot lang ng lalaki sa reklamo ni Mason.

"Jusko, baka kung ano nang nangyari sa mga 'yon. 'Wag naman sana," Nag-aalala nitong sambit sa sarili habang hindi mapakaling nagpapalakad-lakad sa harapan.

Natigilan lang siya dahil biglang may malakas na tunog ang gumimbal sa katahimikan ng paligid.

Isa itong alarm o siren sound na nagmumula sa isang speaker. Malakas ito at nakakarindi sa pandinig kaya kaagad na tinakpan ni Mason ang kaniyang tainga.

"Punyeta, saan ba nanggagaling ang tunog na 'yon?!" reklamo nito habang naglalakad patungo sa pinto para tingnan ang kalagayan sa labas.

Binalot ng makapal na fog ang kabuuan ng lugar. Madilim na rin ang paligid dahil sumapit na ang gabi.

Patuloy pa rin ang tunog ng sirena na siyang nakapagdagdag ng kilabot sa nangyayari.

Napaatras si Mason dahil sa takot at kaagad na sinara ang pinto at ni-lock ito.

Tinabihan niya ang si Enzo na mukhang nagising dahil sa ingah ng paligid.

"Pre, I hate to say this but I'm freaking scared right now! Gusto ko nang umuwi!" natatakot na saad nito at 'saka napaupo sa paanan ng sofa.

Nakakatawa man ang itsura ni Mason pero 'yun talaga ang nararamdaman niya sa ngayon.

"Stupid," bulong ni Enzo dahil sa sinambit ng kaibigan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nawala na ang malakas na tunog at bumalik sa dati ang nakakabinging katahimikan ng paligid.

Ngunit kaagad din iyong napalitan ng isang alulong ng aso. Nadugtungan pa ito ng isa pang alulong hanggang sa ito ay dumami na ng dumami.

Doon na naalerto ng tuluyan si Mason at napatayo dahil sa matinding gulat.

"Maryosep. Ano bang nangyayari sa lugar na 'to?"

-----

ELEANOR

Kasalukuyan naming binabagtas ang madilim at tahimik na paligid pabalik sa kinaroroonan kung nasaan man sina Mason ngayon.

Walang ni isa sa amin ang nagsasalita habang naglalakad. Siguro pare-parehas kaming alerto sa paligid dahil baka kung ano na namang mangyaring kakaiba.

Napalingon ako kina Gaia at Tinley na tahimik lang din. Nang makita nila akong nakatingin ay sabay silang bumulong.

"This is awkward,"

Napairap na lang ako dahil sa sinabi nila. Binalik ko na lang ang tingin sa harap kung saan nandoon si Henry na nangunguna sa amin.

Ghad, this place is so quiet. I don't like the silence of it. Parang may dalang kapahamakan.

"Ehem," napalingon kaagad ako kay Gaia dahil sa bigla nitong pagbasag sa katahimikan.

"Ehem," lumipat ang tingin ko kay Tinley dahil ganun din ang ginawa niya.

Seriously? Ano bang ginagawa nila?

Pinanlakihan ko sila ng mata pero nginitian lang nila ako. "Hehe, sorry. Ang tahimik kasi, e. Hindi kami sanay," ngiting sagot ni Gaia kaya napailing na lang ako.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon