/ML-17/

10 8 17
                                    

THIRD PERSON

Tila bumagal ang paligid sa paningin ni Eleanor. Maski sarili niyang hagulgol at sigaw ay hindi na niya marinig dahil tila nabingi na siya.

Samantala, parang mawawalan ng malay si Tinley sa nakikita. Kaagad na tumayo ng tuwid si Henry na parang walang nangyaring masama sa kaniya at si Mason na nakatulala lalo na nang makita ang katawan ni Gaia.

Base sa kinalalagyan ng katawan ni Gaia ay nahulog ito sa isang patibong. May naka-set up na mga patusok na kahoy na kahit sinumang mahulog ay talagang mamamatay kaagad dahil sa rami ng kahoy na tutusok sa katawan.

Hindi naman niya ito napansin kanina dahil na rin sa dilim ng paligid at marahil ay natatakpan ito ng mga damo para hindi mahanap kaagad.

Sa kasamaang-palad, si Gaia ang napili nitong wakasan ng buhay.

At sa gabing 'yon, muli na naman silang nalagasan ng isa. Unti-unti na silang nababawasan sa bawat araw na nananatili sila sa sinumpang lugar.

Sa ngayon, hindi na nila malaman kung kaya pa nilang magpatuloy kung ang isa sa kanila ay wala na.

Sumisikip ang dibdib ni Eleanor. Nahihirapan siyang huminga. Nanlalabo na rin ang paningin niya kaiiyak. Parang nablangko bigla ang isip niya.

Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Sa isang iglap, nangyari na naman ang kinatatakutan niya. Ang mamamatay ang isa sa kanila.

Inaamin niya sa sarili na imposibleng makalabas pa sila sa lugar ng buhay at isa pa, kung may mangyayari mang hindi maganda ay tatanggapin na lang niya kung hanggang doon na lang sila.

Pero hindi, iba pa rin kapag aktuwal nang nangyayari. Masakit. Nakakapanlumo. Nakakalungkot.

Gusto na lang niyang magmukmok sa isang tabi at hayaan ang mga halimaw na pagpiyestahan ang katawan niya para matapos na ang paghihirap.

But no, it doesn't work that way.

"Guys... I hate to break it to you but we have to keep moving now..." Untag ni Mason.

Kagaya ng iba ay may mga luha rin ito sa mga mata. Hindi maipagkakaila na naging mabuting magkaibigan din sila ni Gaia.

Sa kanilang lima, sina Mason, Henry at Gaia ang close.

Kaya lang naman sumasama si Eleanor sa kanila dahil kay Tinley at kay Gaia na naging malapit na rin niyang kaibigan dahil sa trip nilang ito.

Dahil sa sinabi ni Mason ay humarap si Tinley sa kaniya at dinuro-duro ito.

"No! Can't you see?! We're still mourning for her death! Hindi ka man lang ba magpapaalam sa kaibigan mo at parang ang dali lang sabihing umalis na tayo?! How could you!"

Mariing umiling si Mason at matalim na tumingin kay Tinley. Samantalang si Eleanor ay tahimik na umiiyak habang tinitingnan ang wala ng buhay ni Gaia. Si Henry naman ay napayuko na at may iilang butil ng luha sa mga mata niya.

"Tingin mo hindi masakit sa'kin na makita na wala na siya?! Kaibigan ko rin siya pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na! Sa tingin mo gugustuhin niyang matulad sa kaniya na mamatay dito sa lugar na 'to?! 'Di ba, hindi?! Dahil ang gusto niya, lahat tayo makakalis dito!"

Walang naisagot si Tinley kaya napaluhod siya sa lupa at napahawak sa mukha niya't doon muling umiyak.

Kaniya-kaniya silang nagluluksa, bumubulong sa hangin ng mga mensahe na sana ay naririnig ng namatay na kaibigan. Inaalala ang mga oras na nakasama nila si Gaia.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon