/ML-14/

20 14 23
                                    

A/N: So I wrote this chap with one night only skl hahahaha. Wala natutuwa lang ako XD. Btw, enjoy reading!

-----

ELEANOR

Habang mabilis ang takbo ng sasakyan ay panay ang lingon namin sa likuran, tinatanaw ang mga matatangkad na lalaki na kasalukuyang humahabol sa amin ngayon.

Hindi ko alam kung saan na kami patungo pero hindi ko na inisip pa dahil ang importante ay makalayo kami sa mga nilalang na ito.

Mabibilis at malalaki ang hakbang ng mga nilalang habang hinahabol nila kami.

Lumilikha din sila ng ingay na siyang naririnig namin dito dahilan para kilabutan kami.

"Drive faster! Malapit na sila!" sigaw ni Mason.

"Kung ikaw kaya mag-drive?!" angil naman ni Henry na natataranta din at pinagpapawisan.

Nagulat na lang kami ng biglang tumalon ang isa sa tatlong lalaki sa bubong ng sasakyan dahilan para magsitilian kami.

Kinakalampag nito ang bubong kaya nag-iwan ito ng bakas ng suntok. Hindi ko alam na malakas ang mga nilalang na ito dahil halos mabaon na ang bubong kaya naman ay biglang kinabig ni Henry ang sasakyan pakaliwa.

Napakapit na lang ako dahil sa lakas ng impact at isa pa ay hindi ko ito inaasahan. Mamaya-maya pa ay kumabig naman ito pakanan. Muntik pa akong mapasubsob pero mabuti na lang at naagapan ko.

"Damn! Mag-warning ka naman pre! Nauntog tuloy ako sa bintana!" reklamo ni Mason pero hindi siya pinansin ni Henry at patuloy pa ring nagda-drive.

Samantala, dahil siguro sa ginawa ni Henry ay mukhang nagulog na ang nilalang sa itaas kaya kahit papaano ay kampante na kami pero doon ako nagkamali.

Malakas na tumilapon ang pinto ng sasakyan at natapon sa kung saan saka lumitaw ang nilalang.

Tuluyan nang walang pinto ang kotse sa likuran ko kaya malayang hinihila ng nilalang si Mason na mistulang gusto siyang ihulog.

"Mason!"

Umungot muna ito dahilan para humaba ang bibig niya bago niya pilit hinihila ang paa ni Mason pero pinagtatadyakan lang niya ang ito.

Malakas ang nilalang at mahigpit ang kapit sa kaniya kaya hindi siya kaagad nito nabitawan.

"Shit! Hilain niyo ko! 'Wag niyong hahayaang makuha nitong panget na 'to!"

Kahit nasa ganitong sitwasyon kami ay hindi mawawala ang kalokohan ni Mason pero hindi ko na lang ito pinansin.

Kasalukuyan siyang hinihila nina Gaia at Tinley kaya nakitulong na rin ako.

Hinila ko rin ang katawan ni Mason na halos mapaiyak na kahihila sa paa niya.

Ngunit kahit magtulong-tulong kami ay mahigpit pa rin ang kapit ng nilalang doon. Partida ay isang kamay lang ang gamit nito sa paghila habang ang isa ay nakakapit sa mabilis na pag-andar ng sasakyan.

Damn! Hindi namin puwedeng bitawan si Mason. Hindi namin hahayaang may mawala na naman.

"Kumapit kayo! Ibabangga ko sa puno ang hayop na 'yan!" biglang babala ni Henry kaya naman ay mas lalo ko pang hinihila si Mason.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon