/ML-1/

152 45 109
                                    

ELEANOR


"Eleanor! Gumising ka riyan!" Nagising na lang ang diwa ko sa lakas ng sigaw ni Mama.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang paglinawanag ng buong kwarto ko dahilan para pumasok ang magandang sikaw ng araw.

Napapikit naman ako at agad na kumapa ng unan para ipangtakip sa nasisilaw kong mga mata.

"Ayaw mong bumangon ha," Narinig kong usal na Mama.

Napatili na lang ako ng maramdaman kong hinablot niya ng unan na nakatakip sa mukha ko at mukhang hindi pa siya nakuntento at hinila niya pa ang kumot ko.

Argh! Seriously? Ang brutal talaga manggising nitong si Mama.

"Mama!" bulalas ko ngayon kay Mama na kasalukuyang winawagwag ang kumot ko.

Nakalanghap naman ako ng mga alikabok dahilan para ma-atching ako ng dalawang beses.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na ibaba mo ang kumot mo roon sa baba para maglabhan? Tingnan mo nga o! Punong-puno ng alikabok at nagangamoy pa." bulyaw ni Mama sa harap ko kaya feeling ko matatangay ang mukha ko sa lakas ng boses niya.

Napakamot na lang ako sa ulo at napa-peace sign sa harap niya. "Sorry, Ma. Nakalimutan ko, e. Hehe," Kamot-batok kong tugon pero sininghalan lang ako nito.

"Bumaba ka na riyan. May bisita ka sa baba," Sa halip ay saad niya 'saka umalis.

Bisita? Sino naman kaya 'yun? I don't expect anyone to come visit me here.

Para malaman kung sino ang nasa baba ay bahagya akong sumilip. Pagkakita ko ay nandoon nakaupo si Gaia. May mga dala-dalang bag at nakabihis din pang-alis.

Saan naman pupunta ang babaeng 'to?

"Hey! Up here!" tawag pansin ko rito kaya agad itong napalingon sa direksiyon ko.

"There she is!" balik bati nito habang nakangiti 'saka ako kinawayan kaya kumaway din ako pabalik.

Agad ding nawala ang ngiti sa labi niya ng pinasadahan niya ako ng tingin. Kunot-noo niya akong binalingan ng tingin.

"Sis, bakit hindi ka pa nakabihis?" takang tanong nito. Naguluhan naman ako sa tanong niya.

"Ha? Bakit? Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pabalik dito. Napahampas naman ito sa noo na parang hindi makapaniwala sa sinambit ko.

"The trip, El! Hello? We're going somewhere today, remember?" sagot nito kaya nanlaki na lang ang mata ko sa narinig.

Shit! May pupuntahan nga pala kami ngayon! Paano ko ba 'yun nakalimutan? Ang boplaks ko talaga!

Kumaripas agad ako ng takbo pabalik sa kwarto at dumiretso sa banyo para maligo. Nakalimutan kong kumuha ng pampalit kaya lumabas ulit ako at nagtungo sa harap ng aparador para kumuha ng damit.

Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na alam kung anong pinaghahablot ko. Teka, bakit ba ako nagmamadali? Anong oras na ba?

"You, silly. Don't worry, maaga pa. Sinadya ko talagang magpaaga dahil alam kong late ka na naman magigising," tatawa-tawang saad ni Gaia na bigla na lang sumulpot sa loob ng kwarto. Umupo naman ito sa kama at doon muna nahiga.

"You still have 30 minutes to prepare kaya shoo! Maligo ka na. You smell like shit," Asar na saad nito kaya kumuha ako ng pinakamalapit na bagay na nakita ko 'saka ko siya binato.

"Very funny," Sarkastikong anas ko bago tuluyang pumasok sa banyo.

Pagkatapos maligo ay lumabas na ako. Naabutan ko si Gaia doon na tinitingnan ang mga sketches ko.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon