/ML-3/

67 39 97
                                    

THIRD PERSON

Marahan na ibinaba ni Mason ang walang malay na katawan ni Tinley sa lapag ng lupa. Sinapo niya ang mukha nito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising.

Mukhang nalagyan ng tubig ang baga niya kaya gano'n ang nangyari.

Nagsimulang kabahan si Mason at hindi niya maiwasang mag-alala sa kalagayan ng babae. Alam niyang may magagawa siya sa ganitong sitwasyon kaya kahit papaano ay may alam siya.

Agad niyang iposisyon ang nakakuyom na kamay sa ibabaw ng dibdib ng babae at sinimulan itong i-pump ng ilang beses.

Habang ginagawa niya ang proseso ng paggising kay Tinley ay sinasabayan niya ito ng mouth to mouth resuscitation.

Paulit-ulit niya itong isinagawa habang walang humpay sa pagdiin sa dibdib ng babae para lang magising ito.

"Come on, Tinley. Wake up," sambit niya sa kabila ng pagkahingal at pagkapagod pero wala siyang balak tumigil hangga't hindi ito nagigising.

Hindi niya alintana ang basang-basang katawan at ang lupa na dumidikit sa damit at balat niya dahil mas iniisip niya ang sitwasyon ni Tinley.

"Come on, Tin. I know you can do it,"

Sa paulit-ulit na pagsagawa ng prosesong iyon, tuluyan na ngang nagising si Tinley. Umubo ito ng tubig at malakas na umubo kasabay ng paghugot ng malalalim na hininga.

Nakahinga naman ng maluwag si Mason pagkakita kay Tinley na kasalukuyan pa ring umuubo.

"Jusmiyo, akala ko hindi ka na magigising. You we're unconcious for about 5 minutes," imporma ni Mason habang hinahagod ang likod ng babae.

"Thank you for saving me. I thought I'm gonna die in that car," tumayo siya kahit na nanginginig pa sa lamig ng tubig.

Agad namang inalalayan ni Mason si Tinley. Hindi namalayan ng dalawa na nagkalapit pala ang katawan nila.

Nang mapansin kung gaano sila kalapit ay agad silang humiwalay sa isa't-isa na parang napaso.

Napuno ng katahimikan sa pagitan ng dalawa pagkatapos. Tumikhim naman si Mason bago nagsalita.

"Uhm, I think we should go. I'm pretty sure they're already there," wika ni Mason na parang hindi siya naapektuhan sa nangyari kanina.

Para namang natauhan si Tinley bago tumango at sumagot.

"Yeah. Let's go."

-----

ELEANOR

Welcome to Mod Lanterns.

'Yan ang nakasulat sa karatula sa gilid ng nilalakaran naming kalsada.

Narating na namin ang hangganan ng tulay pero wala pa roon ang dalawa na dapat ay nandoon na sana.

"Wala pa sila rito. They're suppose to be here, " wika ni Enzo habang pinagmamasdan ang paligid.

Tahimik ang buong lugar. Nakakabingi ang katahimikan nito. Wala man lang maririnig na huni ng mga ibon o pagpagaspas ng hangin.

Wala ring masyadong sikat ng araw dahil sa mga nagtataasang mga puno sa gilid. Napayakap na lang ako sa sarili ng makaramdam ng kakaiba sa paligid.

Mistula kasing may nakamasid sa amin ngayon nang hindi namin nakikita. Hindi ko maiwasang mag-isip ng gano'ng bagay lalo na at nasa ganito kaming sitwasyon.

"Mukhang malayo pa rito ang dinaanan nina Mason. There are traces of them here. Kailangan pa nating maglakad at hanapin sila," pahayag ni Gaia na nakatingin sa amin.

Monsterland (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon