"Ma, paano ka nagkagusto kay Mimi?"
Sabay naman silang natigilan sa tanong ko habang kumakain ng agahan. As usual, himala na naman sa kanilang ang aga kong nagising to the point na may time pa akong magtanong ng ganito.
"Bakit mo naman gusto malaman, 'nak?" tanong ni Mimi.
First time ko lang magtanong ng ganito sa kanila sa tingin ko. Ever since naman kasi dumating si Mimi sa buhay namin ni Mama, wala naman akong tinatanong, hinahayaan ko lang. Una padalaw-dalaw lang siya, palaging nakatambay at minsan dito pa natutulog. Hanggang sa tuluyan na silang nagsama.
Okay lang naman din sa akin kasi nakagaanan ko na siya ng loob. Kaya nang sabihin nila na magiging mama ko na rin si Mimi, tuwang-tuwa pa ako dahil okay lang sa akin. Nang ipaliwanag nila kung anong ibig sabihin ng mga bagay-bagay, mabilis ko naman iyong naintindihan.
"Wala lang po, Mi, curious lang."
"Nako, Ella, baka naman may nagugustuhan ka na?" Ang nang-uusisang tanong ni Mama sa akin.
Aga-aga pinanlilisikan na naman ako ng mata!
"Ma, wala," sagot ko agad. Nakatingin pa rin siya sa akin na akala mo may kasalanan ako ibinalik ko na lang ang tingin sa kinakain. Buti pa 'tong hotdog, nananahimik lang. Si Mama parang warla agad. "Kapag nagtatanong, may gusto kaagad?"
"Naninigurado lang—"
"Mahal, huwag mo ngang sermunan yung bata. Nasa ganyang edad na 'yan para ma-curious, dalaga na 'yan." Kontra kaagad ni Mimi sa kung ano mang sasabihin ni Mama, humawak pa ito ng marahan sa braso no'ng isa.
"Dalaga ka riyan, quince anyos lang 'yang anak mo. Walang gusto-gusto at ang bata niyan!"
"Eh, nagtatanong nga lang, advance mo naman mag-isip."
Tiningnan ni Mama si Mimi ng masama bago umirap. Napangiti naman ako, ang cute kasi nila. Usually sa mga tulad ko parang madidiri pa kapag pa-teenager ang parents, pero ang refreshing kasi nila tingnan. Ever since naman, ganoon na talaga sila. I'm just glad na hindi sila nagbago. Love na love ni Mama at Mimi ang isa't-isa, mas okay na siguro 'yon.
"Bata pa si Ella, maigi na yung sure ako." sabi niya pa rin kay Mimi. Lumingon siya sa akin, hindi naman na siya masungit tumingin pero serious lang ang expression ni Mama. "Anak, kapag may crush ka, ayos lang 'yon. Ang hindi okay yung magpapaligaw ka sa labas, okay?"
Napatango ako kahit wala namang manliligaw sa akin.
"Walang masama kung mag-o-open ka sa amin ng Mama mo, minsan lang talaga una react nitong isa."
"May sinasabi ka, Demi?" pagtawag ni Mama sa pangalan ni Mimi. Ngayon ko lang ulit narinig yung name niya kasi lagi naman silang may endearment sa isa't-isa.
Ngumiti si Mimi na parang ayos lang sa kanya kahit nagsusungit si Mama. "Wala naman, Maria Ellaine."
Hay, relationship goals 'tong magulang ko. Me want.
Ngayon ko lang ulit naisip na sa name ni Mama kinuha ang Ella Marie ko. Ellaine for Ella then Maria for Marie. Walang contribution yung magaling kong ama kasi siyempre, biglang na-missing in action. Edi bahala siya sa buhay niya. Maganda naman ang Ella Marie, baka kung may ambag siya sa name ko ewan ko na lang. Kahit ang surname ko, kay Mama ang gamit ko. Demi delos Reyes ang full name ni Mimi, kung ikakasal sila sa susunod, Magiging Ella Marie delos Reyes na siguro kami ni Mama.
"Buti, Ma, love ninyo pa rin isa't isa." bigla ko na lang nasabi.
Natawa silang dalawa, pero hindi yung tawa na nang-aasar. Si Mama parang namumula, eh. Siguro hindi niya lang ine-expect yung sinabi ko. Kahit naman ako, basta na lang kasi lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nishi_Ishin ang ideal guy ni Ella. Hindi naman talaga niya ito kilala pero pakiramdam niya ay kasing fla...