Chapter 6

6.8K 578 100
                                    

"Pumunta ka talaga," Malumanay na sabi sa akin ni West nang makita niya ako rito sa vacant room kung saan una niya akong pinapunta no'ng malaman ko ang writer side niya. Hinawakan niya ang strap ng bag at tumingala, sunod ay ikiniling niya ang ulo pakanan. Tinaas niya ang dalawang kilay. "Good morning."

"G-good morning din." Inayos ko ang buhok at nginitian siya. Bakit gano'n, ang effortless ng ganda niya? Nakakainggit, hay. "B-bakit mo pala ako pinapunta?"

Dahil ang aga kong bumangon kahit puyat kakabasa sa Wattpad, takang-taka ang mga magulang ko sa akin. Ano raw ang nakain ko, nakulam daw ba ako, o baka may boyfriend na ako. Grabe sila sa akin, porke nagkahimala lang. Wala, e, si West nang nag-request na magkita kami.

"No reason, really." Napatitig ako sa mata niya. Ang ganda talaga ng pagka-brown no'n. Same eye color lang naman sila ng kambal niya pero ewan ko ba at ibang dating ng sa kanya. Mas mysterious tingnan. "Hindi ko rin sure kung bakit kita pinapunta."

"Hala?" Kumunot ang noo ko. Nagkibit siya ng balikat at mahinang natawa. Feeling ko kahit siya nawiwirduhan sa sarili. "Okay ka lang, West?"

"Ayos lang naman ako palagi."

"Uh, okay."

Nakatayo lang kaming dalawa. Sumandal siya sa gilid ng whiteboard at nilaru-laro ang strap ng bag. Hindi ko naman din alam ang sasabihin. Usually may tinatago akong kadaldalan sa katawan lalo na kapag kasama si Valeen. Speaking of my best friend, paano kung malaman niyang nagkikita pala kami ng crush niya? I mean sa akin siyempre masaya ako kasi idol ko si West as a writer, pero, ewan.

Ang awkward ng ganito. Kailangan ko mag-isip ng sasabihin. Feeling ko kasi malalim na tao siya, e, hindi naman ako ganoon. Hindi ko sure kung paano ko talaga siya kakausapin.

"West—"

"Naiilang ka ba sa akin?" Natigilan ako sa tanong niya. Nakatitig lang siya, naghihintay ng isasagot ko. Napatikhim ako at napayuko. "Do I look intimidating?"

"K-konti lang." Sagot ko sa kanya at sinundan iyon ng awkward na tawa. Tinaas niya ang parehas na kilay ng sabay, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. "I mean, compare kay East, mas seryoso ka kasi. Hindi ako naiilang sa'yo, pero may aura ka na parang piling tao lang ang kakausapin mo."

"Then isa ka sa mga piling tao na iyon?"

"H-huh?" Nanlaki ang mata ko sa narinig. Bigla siyang napangiti. Hindi nagtagal ay tumawa ito. "Teka, h-huh?"

Lumapit siya at mahina akong kinurot sa pisngi. Parang naramdaman ko namang uminit ang mukha at tainga ko. Kung may napansin man siya, wala itong sinabi or reaction tungkol doon. Basta ang alam ko, ang lambot ng kamay niya sa balat ko. "Do you know the good thing about you?"

Umiling ako. Wala akong maisip na magandang bagay sa akin pero marami akong kayang sabihin tungkol sa kanya.

"Your beauty is effortless, I can see it."

Kumunot ang noo ko. "Malabo bang mata mo, West? Sa ating dalawa, ikaw itong maganda at hindi ako. Beauty is effortless ka riyan, sira ka."

Ngumisi siya at bumalik sa pagkakasandal sa whiteboard. "Maganda ka, hindi mo lang siguro nakikita sa sarili mo."

"Chubby ako."

"Matambok lang ang pisngi mo. Malaman, yes, pero you're still young to think about grooming yourself to perfection. Well, I personally think that simplicity is beauty. You're simple, you don't do what usual girls will do, so that makes you pretty."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bukod kasi kina Mama at Mimi, siya lang ang nagsabi na maganda ako, kahit binabanggit ko na ganito ako o ganyan. Lagi kong naiisip na kung kamukha ko lang ang nanay ko, pwede pang masabi na maganda talaga ako. Pero hindi, eh. Instead yung tatay ko pa, na ni hindi ko naman kilala. Sa lahat naman ng magiging kamukha, yung tao pang pinaka-ayoko sa lahat.

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon