"Ah, na-miss ko ang SM!" Kulang na lang magpanggap akong hindi ko kilala si Valeen nang exaggerated langhapin niya ang lamig ng hangin nang makapasok kami sa loob ng mall. Ang daming tumingin tuloy sa kanya. "Leggo!"
"Umayos ka nga," Natatawang sabi ko. Wala naman siyang pakialam at umikot pa ng isang beses bago lumapit sa akin. Inangkla niya ang braso sa akin. "Ang ligalig mo."
"Ella, my friend, kailan ba huling gala natin sa mall? Tagal na, 'di ba?"
"Parang last month lang." Bulong ko na alam ko namang narinig niya dahil natawa siya.
Hinila niya ako, automatic na 'to kung saan kami pupunta—sa National Bookstore. As usual ay naka-plain shirt lang siya at short, para siyang nasa bahay lang makapaggala rito, palibhasa walking distance lang yung mula sa bahay nila hanggang dito. Sasabihin pa niya sa akin na second home na niya ang SM. Parang sira.
"Magkano pera mo?" tanong niya. "Kapag na-short ako, alam mo na, ah."
"Hindi ako mayaman."
"Eh, only child ka, mas spoiled ka sa mga momshie mo." Napapangiwi talaga ako kapag ganoon ang tawag niya sa magulang ko. Parang tropa lang, eh. "Ako, Ella, marami akong kapatid. Sampu!"
"Only child, oo, pero hindi naman ako laging binibigyan." Napakamot ako sa ulo. Nakarating na lang kami sa National Book Store na ganoon ang usapan. "Tsaka tatlo lang mga kapatid mo, makasampu ka."
"Counted kasi yung mga anak ni Papa sa iba." Tatawa-tawang sagot niya.
Sa lahat yata ng kilala ko, siya itong napaka-positive kahit na ganoon ang family situation nila. Kilala niya lahat ng mga kapatid niya sa mga naging babae ng papa niya. Unlike sa mga kapatid niya sa mama niya, siya lang itong naging accepting sa ibang mga kapatid niya pa.
"Ano bang bibilhin mo?" tanong ko na lang.
"Ikaw ba may bibilhin?"
"Kung may makita akong gusto ko."
"Same. Basta, ah. Pahiram kapag na-short ako. Kakain pa tayo tsaka maglalaro, eh."
Natatawang tumango na lang ako. Nag-ikot na kami sa mga shelves. Umupo siya sa may gilid, nang tingnan ko si Valeen ay sa mga anime magazines naman siya nakatingin. Then kinuha niya yung isang Pinoy comics na BLACKink. Dalawang babae yung nasa cover no'n.
"Ella! Yuri, yuri!" Ang lamig pero namumula siya dahil sa excitement. "Ella, girlxgirl!"
"Oo, oo." Natawa ako. Ni wala siyang pakialam kahit napapatingin yung ibang tao rito sa amin. Ito naman ang gusto ko kay Valeen, kahit hindi ko alam kung phase niya lang itong sexual orientation niya o hindi, she's not ashamed to show it. Hindi naman sa pinagkakalat niyang bisexual siya, pero nandoon yung kimikilos siya na hindi niya kailangang magtago.
"Korni, puro BL." Nakangusong tinuro niya sa akin yung isang comics pa. Dalawang lalaki ang cover no'n. Saka ko lang napansin na puro BL nga yung naka-published sa BLACKink. "Ano, so isang gxg lang mabibili ko? Daya!"
"Akala ko ba libro bibilhin mo?"
"Counted naman as babasahin ang comics, eh. Okay na 'yon. Pero ang daya talaga."
"Eh, maraming may gusto ng BL, eh. Siyempre kahit straight girls mahilig diyan."
"Daya talaga. Cute naman babae sa babae, ah." Hindi maalis yung pag-pout niya, halatang masama ang loob. Totoo naman kasi na kung may LGBT themed mang libro or comics na nap-publish, madalas laging BL. "Parang yung PrideLit. Kaimbiyerna, girl!"
Napatango na lang ako at napakamot sa ulo. Tuwing ganito talaga, eh, lagi siyang may reklamo. She's trying to make a point na dapat hindi puro BL ang nailalabas sa public. Iyon daw kasi yung napansin niya nang mag-search siya ng books sa website ng PrideLit. Wala raw gxg except doon sa isang anthology book.
BINABASA MO ANG
Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nishi_Ishin ang ideal guy ni Ella. Hindi naman talaga niya ito kilala pero pakiramdam niya ay kasing fla...