Chapter 23

5.6K 489 161
                                    

Muli na naman akong nakatapak sa Hansen residence, for the second time ay kasama ko sina Val at Jo at lahat kami ay nakaayos ng maganda. Birthday ngayon ng ate ng kambal na Hansen na si South.

Soft music kaagad ang narinig ko, sapat lang ang lakas para magkarinigan ang lahat. Karamihan sa mga tao na nandito, hindi ko kilala. Totoo pala talaga na small gathering lang itong birthday celebration ng crush kong blue eyed—crush ko pa rin siya kahit ini-snob niya ako noong nag-sleepover ako rito.

"Pretty talaga ng bahay nila, ang laki-laki," sabi ni Valeen habang nakahawak sa braso ko. Para kaming mga mahiyaing bata na hindi halos makapunta sa may mga tao. Mas malapit pa kami sa gate kaysa sa kung nasaan yung mga tables at pagkain. "Yayamanin talaga si my loves."

"My loves ka riyan," Naunahan pa ako ni Jo sa pambabara. Thanks, Jo! Charot! "Girlfriend mo ba?"

"Hindi, pero—"

"Bakit nandito lang kayo?" Napalingon kaming lahat sa malakas na boses ni Jamaica, ni hindi namin namalayan na nakalapit na siya. Katabi niya si West na as usual, ang ganda-ganda pa rin sa suot na blue dress. "Halika na, huwag kayong mahiya!"

Mula sa may tables ay saka ko lang napansin sina Lucy and East na panay ang tingin sa mga pagkain, they look cute together, parang naka-terno talaga ang suot kahit feeling ko hindi. Nakahawak lang si East sa kamay no'ng isa at ang saya-saya nilang tingnan.

"Kaya nga, bahay kasi 'to ni Jam, eh," Sarcastic na sabi ni West habang nangingiti. Siniko naman siya ng kaibigan sabay yakap sa tagiliran nito. Napalunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. They're just friends, okay lang 'yan.

Tsaka ano bang problema ko? Um-okay nga ako na manligaw si Val kay West, yung pagtatanong na lang ang kulang. Bakit ba masyado akong affected sa mga bagay-bagay? Friends lang kami.

"Nasaan na si Ate South?" Tanong ni Jo nang magsimula na kaming maglakad palapit kung saan mismo ginaganap ang event. Saka ko lang mas na-appreciate ang view. Ang daming pa-LED lights tsaka ang pretty ng front lawn nila. Sa amin parang wala lang, bahay lang na may bakuran. "Imma greet her."

"She should be just around the corner, if wala, try going to our living room, baka nakaupo lang." sagot ni West.

Kung sinong may birthday, siyang wala. Halos parehas sila ng ugali ni West, mas unpredictable lang ang ate niya at siyempre, snobby. Sungit na ewan, si West naman chill type ang datingan, eh.

"Alrighty, Imma find her na lang pala."

"Sama na ako," Val said kaya napalingon kami sa kanya lahat. Alam naman namin na para silang aso't pusa ni Jo although hindi napatol yung isa sa pag-a-attitude ng best friend ko. "Iaabot ko rin gift ko sa kanya kasi."

"Akala ko close na kayo, eh," panunukso ko habang natatawa.

Umirap siya. "Asa."

"What? Close kaya kami ni baby." Hinawakan ni Jo si Val sa baywang na tinulak naman siya ng mahina in return.

"Tigilan mo nga!"

"Baka magkatuluyan kayo," Jamaica teased. Parang pumalakpak naman ang tainga ko sa narinig.

"Eww!"

"Maka-eww ka!"

"Ella, akin nang gift mo nang maisabay ko na." Pagc-change topic ni Val, hindi pa ako nakaka-oo ay basta na lang niyang kinuha ang hawak kong gift.

Walang salitang umalis sila at natigilan ako nag sumunod sa dalawang aso't pusa si Jamaica. Oh, my gosh. Kami na lang ni West ang naiwan. Ang awkward.

Teka, wait, anong sasabihin ko? Ni hindi ako makatingin ng diretso sa kanya!

Lord, help.

Kapag nakikita ko siya, palaging nagre-replay sa braincells ko yung time na nagsabi siyang nagkakagusto na siya sa akin. At tuloy dahil doon, naghuhuramentado na naman ang puso, napaka! Hindi na funny, dahil sa kanya, dahil sa kanya...

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon