Isa lang talaga ang masasabi ko kay Julliana-she's really friendly. Halos tapatan niya yung vibes ni East sa sobrang outgoing ng personality niya, nagr-radiate talaga. Lagi siyang nakangiti at kahit unang araw niya pa lang dito sa school, para bang mas matagal na siya rito kumpara sa akin. Gano'ng sense.
Ako yata yung transferee hindi lang ako aware. Sige, Ella, gawin mo pang joke sarili mo. Aning ka.
Wala naman kasi akong magagawa kung mabilis akong mahiya, eh. Comfortable ako na simula't sapul si Valeen lang kasama ko palagi. Kay West naman siyempre susubukan ko pa ring mag-adjust. Dapat maging initiative din ako kasi may punto siya-we're friends.
Mabuti na lang talaga considerate siya kung hindi baka hindi ko alam ang gagawin. Tahimik siya, kaya siguro marami siyang oras mag-observe ng paligid niya.
"Sayang, wala si Jamaica," Napatingin ako kay Julliana nang marinig siyang magsalita. Kakalabas lang namin ng classroom. "West, nasaan na ba 'yon?"
"She's not replying."
Nagtataka na rin ako kung bakit hindi na naman pumasok yung best friend na 'yon ni West. Napapadalas na talaga. Iniisip ko kung paano siya makakahabol sa lessons, malapit na kaya yung exam. Hay. Wala rin naman nababanggit si West at ayoko rin namang magtanong. Tuwing curious kasi ako, laging tipid yung mga sagot niya.
"Is she sick?"
"I don't know, Jo."
Usually kami lang ni Valeen ang magkasama tuwing lunch break pero ngayon mas marami kami. Kahit sina East tsaka si Lucy kasabay namin sa paglalakad kahit bubukod naman talaga sila ng table pagdating sa canteen. Marami kami at kasama namin si West pero parang wala sa mood 'tong bespren ko.
Ewan ko ba rito sa babaeng 'to bakit parang ang init ng dugo kay Jo, obvious naman kasi, ewan ko lang kung pansin no'ng isa. Mukha namang hindi at mas okay na 'yon kaysa naman baka mamaya mag-away pa sila o ano.
Minsan lang maging ganito si Val, usually naman happy-go-lucky siya, baka hindi niya lang talaga feel itong si Julliana. Pero sa simula lang naman siguro, mabait naman kasi yung isa, medyo clingy lang pero nakakasanayan din.
"Mga magagandang girls, sibat na kami nitong si Lucy, ah." Paalam ni East. Wala namang reaction yung isa, siguro kasi marami kami.
"Ayaw ninyo pa sumabay sa amin? Ipagdikit na lang tables." Suggestion ni Julliana. Hinawi niya ang buhok na almost shoulder length. Sa way ng pakikipag-usap niya feeling ko kilala na niya rin si East dati pa, kahit kasi itong hyper na Hansen na 'to super casual lumapit sa isa. "Date kayo, 'no? West, sila ba?"
Hindi sumagot si West pero para siyang matatawa. Tiningnan ko naman yung dalawa pa, parehas namumula si East at Lucy. I know mainit ang panahon pero mukha na talaga silang kamatis. Pagtingin ko kay Valeen, nang-aasar din yung titig niya sa dalawa. Nako ang babaita umandar na naman ang gaydar.
Basta usapan talagang related sa kapederasyon niya biglang nabubuhayan. Nakakaloka!
"Ikaw, Jo, kahit kailangan nosy ka." Ngumuso si East. Hindi naman siya mukhang na-offend pero ang cute niya mag-react. Parang batang inapi. "Oo, friendly date, bawal?"
"Then why not make it a friendly group date?" Sagot ulit ni Julliana. Halatang gusto niya i-provoke yung dalawa na umamin on the spot. Sa banter nila feeling ko puno na lahat ng tables bago pa kami makahanap ng pwesto. "The more the merrier!"
"Nyenye," Tila wala nang masabi si East at ganoon na lang ang sagot, may kasama pang pambebelat. Natawa tuloy ako, mabuti na lang natawa rin yung iba kaya hindi nakakahiya. Hinawakan niya sa braso si Lucy. "Halika na nga."
BINABASA MO ANG
Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nishi_Ishin ang ideal guy ni Ella. Hindi naman talaga niya ito kilala pero pakiramdam niya ay kasing fla...