Chapter 5

7.4K 529 51
                                    

"Hello."

Halos matigilan ako sa ginawang pagbati sa akin ni West dito sa loob ng classroom. Naturally ay madadaanan niya talaga ang puwesto ko pero hindi ko naman ine-expect na magt-take time talaga siya na huminto para lang batiin ako. Wala naman akong mabasang kahit ano sa mukha niya. Napaisip pa ako kung imagination ko lang bang nagsalita siya o hindi. Natauhan lang ako nang siniko ako ni Valeen.

"Girl, huwag kang snob, hindi ka maganda!" Ang matinis na bulong sa akin nitong bespren ko. Hindi ko na lang siya pinansin, lalo na yung huling pasaring niya.

"He-hello din," Nahihiya man ay lakas loob na rin akong bumati. West nodded her head. Muntik pa itong masubsob nang halos dambahan siya ng kakambal sa likuran na akala mo magaan lang.

"Heyo! Ohayou, ohayou!" East greeted to both of us since tumingin din siya sa best friend ko. She was all smile at us. Kaagad din namang nawala ang atensyon niya sa amin at basta na lang bumuntot sa isa naming kaklase na kadaraan lang. "Lucy, Lucy, Lucy!"

"Ano." Ang monotone na sagot ng kaklase namin habang naglalakad papunta sa upuan nito. Doon ay rinig pa rin ang ingay ng hyper na Hansen.

Nakatayo pa rin si West sa harap namin. Biglang parang ang awkward tuloy. Hindi ko sure kung anong iniisip niya o kung may sasabihin pa ba siya. Hindi naman siya nakatingin sa akin pero inilibot nito ang tingin sa paligid. Napagaya na rin tuloy ako. Saka ko lang napansin na parang wala pa si Jamaica. Ilang minuto lang mags-start na ang klase, ah.

Recently ay napapadalas na ang pag-absent no'n. Wala rin namang may alam kung bakit, pero nakakapanghinayang din yung ginagawa niya. Siguro may sakit lang.

"West, may..." Tumikhim ako dahil parang nawalan ako bigla ng boses, tunog paos ba naman. "May sasabihin ka pa ba?"

Nag-tilt siya ng ulo. Pansin ko madalas niyang gawin iyon every time na para siyang nag-iisip or kung meron siyang kailangan, or kung may sasabihin. Any of the three, hindi ko pa rin naman siya mabasa ng malinaw.

Inilagay niya sa harapan niya ang kulay asul na knapsack na kanina lang ay prenteng nakasandal sa likuran niya. Mula ro'n ay may kinuha siyang kung ano. Nang matingnan ko ay Combi biscuit iyon. Napataas ang kilay ko ng iabot niya 'yon sa akin. Walang imik na kinuha ko 'yon kahit nagtataka.

"Ano 'to?" Nawiwirduhan kong tanong.

"Biscuit."

Natawa ako kasi feeling ko namilosopo siya. Pasalamat siya at cool siya! "Oo nga, pero bakit mo ako binigyan?"

Ibinalik niya ang bag sa likuran, nakahawak lang siya sa kanang strap no'n. Hinawi niya ang buhok at inipit sa gilid ng tainga niya. Ewan ba pero ang cute niya sa part na 'yon. Shit, bakit kasi ang unfair ng life! Kapag ginawa ko iyon malamang mukha lang normal. Si West parang palabas sa tv, eh. Hay. Sad. Parang siya yung mga nai-imagine kong Wattpad characters. Ganoon kaya talaga kapag nagsusulat? Magsulat na lang din kaya ako, baka nakakaganda 'yon.

"Binigay 'yan sa akin ni East."

"Eh, bakit binibigay mo sa akin?" Mukha ba akong patay-gutom sa paningin niya? Naalala ko no'ng time na nakita ko siya sa Tokyo-Tokyo at himalang nakasabay sa pagkain dahil sa bespren niyang biglang nag-missing in action.

Malaki yung in-order ko no'n samantalang regular sized lang sa kanya. Mukhang napansin niya na magana akong kumain. Mukhang halata rin naman sa itsura ko. Hindi naman ako mataba, chubby lang, saktong malaman. Healthy pa rin, sakto lang ang BMI.

Bata pa naman ako, eh. Mag-g-gym na lang ako kapag eighteen na ako. Baka sakali maging kasing-sexy ko sina Mama. Feeling ko talaga sa tatay ko nakuha 'tong pagmumukha ko, eh. Bad trip. Hindi ko pa nakikita yung mukha no'ng lalaking iyon, wala rin naman nang pictures si Mama no'n. Pero wala naman din kasi akong makitang resemblance kay Mama so sure ako doon talaga sa tatay ko ako nagmana. Kamalasan naman talaga. Maganda nga ang nanay, hindi naman maganda pinagmanahan.

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon