Prologue

15.6K 790 201
                                    

THIS IS THE THIRD BOOK OF THE HANSEN SISTERS SERIES

Date started: July 16, 2017

Date completed: August 19, 2021

Note: All books for Hansen Sisters Series is already completed and can be read by chronological order as stated on the title, story description, and the first chapter part.

***

This chapter part is dedicated to TheBlueAddict23 Thank you. Alam mo na kung bakit, ha.

—•••—

"Puyat ka na namang bata ka!"

Bigla kong napatay yung ilaw sa phone ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at inilabas si Mama na halos umusok na naman ang ilong sa galit. Lagot na naman ako.

"M-Mama!" Napangiwi ako. "Good morning po."

"Walang good sa morning! Ikaw na bata ka...mag-ayos ka na!" Bulyaw niya bago lumabas. Napapikit pa ako nang pabalibag nitong isinara ang pintuan. Grabe talaga. "Puro ka basa! Kapag iyang mata mo, lumabo nang lumabo. Nako, sasamain ka sa akin!"

Natampal ko ang noo ko. Lagot ako pagbaba.

"Bakit kasi ang sarap magbasa," bulong ko sa sarili. Hindi ko maiwasang mapanguso. Ito na nga lang ang hobby ko, eh. Buti nga hindi ako tulad ng iba na puro paggagala ang alam. At least ako nandito lang sa kwarto.

Reading is knowledge kaya!

Humiga na lang ulit ako sa kama. Five minutes. Kahit five minutes na pagbabasa lang and promise, babangon na talaga ako. Promise!

Nangingiting binuksan ko ulit yung ilaw sa cellphone ko. Para akong shunga na nagbabasa. Sa katunayan, paulit-ulit ko nang binabasa yung kwento ni Kuya Nishi. Ang ganda kasi talaga! Kapag wala pa siyang update, kadalasan binabasa ko lang ulit yung mga completed works niya. Parang praning lang. Kaya nga siya lang ang nag-iisang favorite ko na Wattpad writer, eh. Hay.

Maya-maya ay napagdiskitahan ko namang i-check ang account niya. Oh, my gosh!

Nishi_Ishin

Katulad ng dati ay wala pa ring bagong nakalagay sa about section niya. Blangko as in nah. His profile picture is an anime character na lalaki at landscape naman ng langit ang cover photo.

Katulad ng dati ay inuulan pa rin siya ng mga mensahe sa kanyang message board pero ni isang reply ay wala kang matatanggap mula sa kanya. Maging sa mga comment sa story. Kung yung iba, game na game na mag-reply, siya ay mukhang walang pakialam sa mga readers na katulad ko.

Like, seriously? Ni isang reply ipinagkakait? Kulang na lang i-flood ko siya!

Kuya Nishi! Notice me!

At siyempre, bilang ako ay isang certified na avid fan ng nag-iisang Nishi_Ishin, hindi ko malilimutang mag-iwan ng private message sa kanya.

Kilig to the bones pa akong nag-type ng mabilis kahit na minsan namamali ako ng naita-type.

Good moooorning, Kuya Nish! May pasok ka rin kaya tulad ko? Ako kasi malapit nang ma-late. Hihi. Ang sarap kasing basahin ng mga stories mo. Kailan ka kaya mag-u-update, Kuya? Natatandaan mo kaya ako? Ilan kaya kaming nagm-message sayo?

Nakakahiya mang aminin pero crush na crush po talaga kita and feeling ko ang gwapo mo sa personal katulad ng mga characters mo sa mga story mo. Yiiie!

"Ella Marie! Aba, hihilata ka na lang ba riyan? Male-late ka na!"

"Opo, Ma!" Nagpa-panic na sagot ko habang tuluy-tuloy pa rin sa pagt-type.

Gtg, Kuya! Kailangan ko nang mag-ayos. Sana mapansin mo 'tong pm ko. Hihihi. Good morning! Love lots!

"Hay!" Nakahinga ako ng maluwag nang mai-send ko na yung message ko. Sana talaga mapansin niya ako. Kahit isang reply lang. Kahit nga tuldok lang baka mangisay na ako sa kilig. Landi!

Gustung-gusto ko talagang malaman kung sino ba talaga siya. Pero paano naman? Mabuti kung hacker ako, baka may chance. Isa lang akong hamak na reader at isang average na estudyante na average lang din ang kayang gawin.

Kung sana may isang clue lang para malaman ko yung totoong pagkatao niya, i-g-grab ko na 'yon. At kapag nakilala ko siya, ako pa mismo ang manliligaw sa kanya!

In love na yata ako kay Kuya Nishi.

Pero paano nga kaya kung malaman ko kung sino talaga siya?

--

Inaantok pa ako nang marating ko ang tapat ng school gate. Pero okay lang. Okay lang talaga. Buo naman ang araw ko kasi nakapagbasa ako. Pero nakakaantok pa rin!

Gumilid ako nang makarinig ng busina ng sasakyan. Huminto iyon at hindi na pumasok sa gate. Maya-maya lang din ay lumabas na yung dalawang estudyanteng sakay no'n.

Sina East and West Hansen. Mga classmate ko rin.

"Bye-bye, Ate North. Ingat sa drive-drive-drive!" Narinig kong sabi ni East doon sa nasa driver's seat. Nakababa kasi yung salamin kaya nakikita ko yung ate nila. Ang ganda talaga ng ate ng magkapatid na ito, sa pagkakaalam ko nga, eh, isa siyang professor sa ibang school. "Ikaw din, Ate South!"

Tumango yung babaeng nasa loob. Sa kanilang lahat, siya lang yung blue ang mata. Ganda! Sana blue rin ang mata ko. Medyo crush ko talaga yung eyes niya, eh. I think, girl crush ko ang kapatid nilang si South. She's so pretty pero mukhang snob.

"Bye." Sabi naman ni West.

Kambal si East at West pero madali lang malaman kung sino ang sino. I mean, mas hyper and expressive kasi si East samantalang si West ay mas deserved and tahimik. Pero nakikita ko naman na may kaibigan din siya.

Pero mas feel ko talaga kapag hyper at kalog ang kasama ko, so, tingin ko, malabong maging close ko siya kung sakali.

Natigilan ako nang lumingon sa akin si West. Kanina pa yata ko nakatingin. Bigla tuloy akong nailang.

Umalis na yung sasakyan at nauna nang pumasok sa gate si East pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Naglakad siya palapit.

"Classmate kita, 'di ba?" she asked.

"Ah, o-oo."

"Ano nga ulit pangalan mo?"

Batukan ko kaya siya? Ang tagal na naming magkaklase pero hindi pa rin ako kilala. Gano'n ba ako ka-common? Hindi ba ako pansinin? Edi siya nang maganda!

"Ella."

"Okay." Tumango siya. "Halika na, pumasok na tayo."

_____

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon