Chapter 24

5.9K 497 184
                                    

Isa lang ang masasabi ko sa nangyayari ngayon...

Shit.

Seryoso talaga si Valeen sa kagustuhan niyang maligawan si West.

Ilang minuto na ako rito sa tapat ng pinto at sa loob ng living room ay nandoon ang tatlo—ang best friend ko, si West, at si Ate North.

Wala akong marinig dahil sa background music, ayoko rin naman pakinggan kung ano man ang pinag-uusapan nila dahil sure ako na humihingi na ngayon ng permission si Val para maging legal ang panliligaw niya kay West.

Para akong tanga na hindi mapakali. Hindi ko alam, feeling ko may maling desisyon akong ginawa sa buhay. Parang very wrong nga yata talaga ako. Ngayon na nandito na ako sa point kung saan approval na lang ng dalawang Hansen ang hinihintay ni Valeen, pakiramdam ko kumakaway na sa akin ang regret.

Pero wala naman akong lakas ng loob.

Bawat minutong lumilipas, mas nar-realize ko lahat ng mga naramdaman ko na either hindi ko namamalayang umusbong o talagang tanga lang ako na laging nagr-rationalize ng mga bagay-bagay.

Pero wala, eh. Nandito na kami, kahit anong gawin ko walang mangyayari. Alangang bawiin ko lahat ng sinabi ko, alangang talikuran ko si Valeen? Ayoko maging ka-rival yung kaisa-isang best friend ko na laging nasa tabi ko simula pa noong una.

Pero, shit talaga.

Bakit ngayon ko pa natanggap na gusto ko na si West? Na mutual feelings lang kaming dalawa?

May parte sa loob ko na umaasa na tatanggi si West sa gusto ni Val, na maiisip niyang i-pursue ako. Pero, Lord, ang kapal naman ng mukha ko no'n.

Si West Hansen? Susuyuin si Ella Marie Tagle? Jusko, joke ba 'yon? Kumpara sa aming dalawa, siya yung tipo na maraming magkakandarapa sa kanya tapos ako nandoon sa pinakalikuran ng pila para lang makita siya.

Kaso wala naman akong lakas ng loob din sabihin na, uy, West, gusto rin kita. Parang sira lang, after ko hayaan si Val.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Parang ang hirap huminga, parang may masakit pero alam ko namang normal lang ang heart rate ko, wala akong karamdaman sa puso, lalong healthy akong tao kahit inaasar akong Jollibee ng best friend ko. Okay na okay ang physical aspect ko pero...may masakit talaga.

Parang gusto kong umiyak sa sakit. Kaso birthday party ni South ito, ang epal ko kung dito ako magda-drama.

Hay...gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang kausapin si Mama at Mimi, baka sakali alam nila ang sasabihin.

Gusto ko marinig sa kanila na bata pa ako at okay lang 'to, lilipas din lahat. Na crush lang 'to at hindi gusto, na bukas makalawa, may makikita akong bagong crush.

Pero sinong niloloko ko? Dalawa na nga girl crush ko pero iba yung dating ni West sa akin.

Dapat nga kinakabahan na ako, like...

Newsflash! Si Ella, baliko rin pala!

O baka kay West lang ako ganito.

Kasi after all, babae man siya o lalaki — wala nang ideal guy. It's just her. She's the idea itself.

Tuwing naiisip ko si West, hindi na pumapasok sa isip ko na siya yung favorite writer ko, na siya yung girl crush ko. Somehow, unknowingly, hindi ko namalayan na okay, nakikita ko na si West as West, just West. No secret identity.

"Huy, magiging kamukha mo na yung halamanan."

Napatingin ako kay Jamaica na bigla- bigla na lang sumusulpot. Nakangiti lang siya sa akin habang tinataas-baba ang kilay. Ewan ko kung nang-iinis siya pero parang gusto ko siya pitikin saglit.

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon