Chapter 28

6.3K 485 216
                                    

"Hanap, usap, deal." Pabirong sabi sa akin ni Val matapos niya akong kalabitin. Kunot noong tiningnan ko siya kaya tinawanan naman niya ako pabalik. Hindi ko na-gets yung binanggit niya although parang familiar yung phrase. "Ate North mo?"

"Andoon," Tinuro ko si Ate na abalang nakikipag-usap kay Gail. It's nice to see my sister opening up other than us and Jade. Minsan kasi, para din siyang si Ate South. Masyadong malihim. Mabait naman siya, sobra pa nga yata. Ate North looks so perfect in everyone's eyes, not knowing how flawed she is, too.

Kami-kami lang siguro ang nakakapansin.

"Tara."

"Why?"

"May sasabihin kasi ako sa kanya, crush." sagot niya na ikinatawa ko.

Lagi na lang niya akong tinatawag na crush. I told her not to call me that pero makulit lang din talaga siya. "Sure ka? Ano ba sasabihin mo?"

"Basta. Tara na."

Tumango na lang ako at hindi na kumontra pa. Whatever she wants to say to my sister, baka importante lang talaga. Hindi ko lang maintindihan kung ano, it doesn't make sense, they're not even close to begin with.

Kilala siya ni Ate North pero dahil iyon sa nababanggit ko si Val sa kanya. Madalas kasi, mine-message ako niya ako para mangamusta. If we're not talking about random topics, si Ella naman ang sentro ng usapan.

Valeen doesn't know that I like her friend, but I guess she's started noticing it, too. Pati kasi siya, tinutukso na ako minsan. Hindi naman niya ginagawa sa personal, pero ganoon kasi siya mag-chat. Hindi ko na lang tuloy pinapansin minsan.

They just like to tease me, hindi pa naman ako yung tipo na pumapatol masyado sa ganoon. If it's East, pwede pa siguro.

"Jollibee—"

"Jollibee ka diyan!" Ella rolled her eyes to Val. Natawa naman yung isa. "Ano?"

Hindi ko alam, pero parang iniiwasan niya akong tingnan. Ayos naman kami kanina, what suddenly changed?

Lumapit si Valeen sa kanya at may ibinulong. I saw how Ella's expression turned gloomy, but when her best friend turned to look at her, naging normal na ulit ang emotion na nasa mukha nito. She's not smiling, but she's not looking sad either. Although her eyes were telling me otherwise.

Whatever Val told Ella, it wasn't something she's happy of.

Lumapit ulit siya sa akin. "Tara na at mang-istorbo ng pretty sister."

Napailing na lang ako pero sumunod din naman. I spared one last glance to Ella, pero nakayuko lang ito. Huminga ako ng malalim at iwinaglit muna siya sa isipan ko.

West Hansen and her unlucky pursuit with Ella Tagle—pwede nang title sa story. Damn it.

Naguguluhan ako sa ikinikilos niya. Hindi ko alam kung ako ang may problema o baka hindi ko lang talaga napaparating ng maayos ang intensyon ko. I'm starting to regret not asking her before whether she likes me, too, or not, just because I'm afraid of what the answer will be.

It's not like I'm expecting mutuality, I just don't think I'm ready enough if I get rejected without even trying.

Naging awkward lang ang sitwasyon. Nauubusan na ako ng gagawin. Siya itong masyadong...mailap.

"Ate North," Napalingon sa akin ang kapatid ko nang tawagin ko siya. Kahit si Gail ay ganoon din. I gave her quick small smile and she returned the same. "Kausapin ka raw Val."

"Val..." Tiningnan niya ang kasama ko. "Ah, Valeen, as in Ella's friend, right?"

Napahawak nang mahigpit si Val sa braso ko. Malamang ay kinikilig na naman ito dahil kaharap niya ngayon ang panganay na Hansen. Nabanggit niya rin kasi sa akin last time na nagagandahan siya kay Ate. "Yes po. He-he. Okay lang hanap, usap, deal?"

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon