Chapter 4

8.3K 574 102
                                    

Sa isang hindi gamit na classroom ako dinala ni West. Hindi naman ganoon kainit pero pinagpapawisan na ako. Hindi nagana ang aircon dito kaya hinayaan lang niyang bukas ang pinto.

Bakante na ang silid, iilang chairs na lang ang natira. Hindi naman mukhang madumi pero obvious na hindi na ginagamit. Sabi nila, baka gawin daw 'tong storage o kaya baka ayusin para gawing lab. Malaki kasi 'to kumpara sa ibang rooms.

Sinusubukan kong kumalma, pero yung puso ko lalabas na yata sa ribcage ko sa sobrang kaba. Oh, my gosh! Parang ngayon pa lang nagsisisi na ako na nag-message sa kanya para sabihing kilala ko na siya. Parang ayoko na yata mabuhay ng ilang minutes. Nakakaiyak.

Huminga ako. Ella, kalma ka lang, kalma—hindi ako makakalma!

Sumandal siya sa gilid ng white board na nandito. Mas mukha siyang strict tingnan kumpara kay East, ibang-iba ang dating ng uniform na suot niya. Samantalang ako, wala, normal lang. Hindi cute, hindi rin maganda. Basta, ayon.

At saka bakit ba ang tangkad niya? Nagmumukha akong pandak, eh. Sakto na kaya ang height ko kahit fifteen lang ako, malapit na rin naman na ako mag-sixteen. Pero pwede siyang model, sila ng kambal niya.

Hay, mga pinagpalang dalaginding.

Nilabas niya ang phone at nag-scroll doon. Ako, parang tanga lang na nanonood sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagsimula na akong paglaruan ang sariling mga daliri. Ano ba kasing pag-uusapan namin? Kung yung tungkol sa identity niya, hindi ko naman pagkakalat, eh. Mabait naman ako.

"West—"

"So, this is you, right?" Pinutol niya ng tanong ang dapat na sasabihin ko. Natigilan naman ako at tinitigan ang screen ng cellphone niya. Nandoon lahat ng messages ko sa Wattpad for her na—shit—hindi niya binubura! Napatango na lang ako. She recoiled her hand away from me. "Hmm, Alley041201."

Napangiwi ako sa pagbanggit niya sa username ko. Ang jejemon pakinggan pala. Kaso, iyon na talaga gamit ko kahit dati pa, eh. Binaligtad ko lang spelling ng Ella, tapos nilagyan ng y sa dulo para cute. Alley. Tapos birthday ko naman yung last.

Nag-init ng sobra ang pisngi ko nang ma-realize na lahat ng messages ko all this time, lahat 'yon, nababasa niya. Napakagat ako sa ibabang labi sa sobrang hiya. Parang gusto ko na lang lamunin ng sahig ora mismo. O kaya tumakas sa kanya.

"Naiinitan ka ba?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang magsalita siya. Napahawak pa ako bandang dibdib. Dyusko, maaga yata akong magkakaroon ng sakit sa puso dahil sa kanya. Kumunot ang noo niya pero hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan. "You're red."

"Ha? Ano—"

"I'll make this short, since mainit nga talaga rito." Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang noo niya. Kulay black iyon na plain, ang cool niya sa paningin ko bigla. Ang weird ko, shems. "May panyo ka ba?"

Umiling ako. Nalimutan ko magdala sa sobrang kalutangan ko.

Inabot niya ang panyo sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ikiniling niya ang ulo pakanan at tinitigan ako pabalik. She took a step forward, kinuha niya ang kamay ko para ilagay yung panyo sa palad ko. "Use that. Ibang part na lang gamitin mo."

"Ah, eh, o-okay." Gusto kong batukan ang sarili. Sige, Ellla, mabulol ka pa!

Gagamitin ko na lang yung panyo para hindi na lalong mapahiya. Inilapit ko ang panyo niya sa mukha ko at kaagad naamoy yung bango nito. Amoy matamis. Speaking of, she smells sweet kapag nadaan siya. Ano kayang gamit niya?

Mabilis kong pinunasan ang pawis at pinilit na huwag pansinin kung gaano 'yon kabango. Ang weird talaga! Hindi pa nakatulong na nakatitig lang siya sa'kin. West, ano ba!

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon