Chapter 3

8.3K 624 124
                                    

Isang oras matapos akong makauwi ay nag-notif ang Wattpad ko. Nag-update siya, si Nishi_Ishin. Nakatitig lang ako sa update niya. Natatakot ako na baka tama talaga ang hinala ko.

Kung tutuusin, tama naman talaga, pero ang hirap paniwalaan. All along, yung tinatawag kong kuya, na crush ko ng sobra, na halos pagpantasyahan ko na—babae pala ang nasa receiving end.

Napahinga ako ng malalim. It's now or never. Isa pa, magtataka si Valeen kung bakit hindi ako nagbasa. Baka magtanong lang iyon. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba itong nalaman ko o mananatiling secret. Based sa kung paanong ginawang low profile ni Nishi ang sarili, it's obvious na ayaw niyang may makakilala sa kanya.

Ngayon, nage-gets ko na kung bakit never siyang nakipag-interact sa mga mambabasa niya. She was always like that. Si West yung klase ng taong hindi magta-take credit sa mga nagawa niya. She always works on the background, ni wala lang siguro sa kanya kung may um-appreciate no'n o wala.

Sinimulan ko nang basahin ang update. Grabe na yung kabog ng dibdib ko, parang gusto kong itigil ang pagbabasa na hindi, kaso ang ganda pa rin talaga, eh. Hindi ko rin naman mapipigilan. Baka hindi ako makatulog kung hindi ko 'to gagawin.

Natigilan ako bandang kalagitnaan. Confirmed na confirmed. Sobrang parehas yung nakita ko sa phone ni West sa nababasa ko ngayon. Walang duda. Si West at si Nishi_Ishin ay iisa. Nishi is kuya no more. Ate siya. Ate.

Halu-halo ang naramdaman ko pagkatapos magbasa. Natutuwa ako na kilala ko na ang manunulat sa likod ng username na iyon and at the same time ay disappointed ako dahil babae pala siya. Hanggang crush na lang pala ako. Girl crush na lang.

Nishi is my ideal guy...sana.

Nag-browse ako ng Google para alamin kung saan niya ba nahugot yung Nishi na iyon. Bakit ba ngayon ko lang naisip na gawin ito? Gosh, ang bobo ko rin talaga minsan!

Hindi rin nagtagal ay nakuha ko na ang sagot na hinahanap. Napa-face palm ako. "Ella, shunga ka. Promise."

Nishi is the Japanese word for West! Bakit ba ngayon ko lang ginawa 'to? Nakakaiyak! All along she's been so obvious pero ni hindi ko man lang napansin. But in the first place, sino ba namang mag-aakalang ganito pala ang matutuklasan ko? Baka nga kung nalaman ko ito ng maaga, baka ang isipin ko pa'y hindi iyon si West Hansen kasi panlalaki rin naman ang name na West. Nakaka-headache!

Paano na? Paano bukas? Paano kapag nakita ko siya? How will I approach her? Kinakabahan ako na ninenerbiyos! Sasabihin ko ba na alam ko na?

Nagh-hyperventilate yata ako. Sobrang obvious ng panginginig ng kamay ko dahil sa nalaman, hindi rin helpful na nanlalamig ito. Made-deads yata ako ng wala sa oras. Oh, my gosh!

Muli kong binuksan ang Wattpad app, binuksan ko yung message box namin ni Nis—I mean, ni West. Mukha akong tanga na nag-backread pa sa lahat ng message ko na wala namang reply. Halos araw-araw ko siya kung i-message, lahat iyon, may kuya na word. Napapaisip tuloy ako kung ano kayang naiisip niya na lalaki ang tingin sa kanya ng ibang tao.

Lahat kasi ng story niya, kung hindi naka-third point of view, eh, perspective ng lalaking character lagi ang ginagamit niya. Magbibigay talaga 'yon ng assumption na she's a man.

Napailing na lang ako. Pero bakit ganoon? Kahit nalaman ko na ang totoo, ramdam ko na crush na crush ko pa rin siya? Kahit babae siya, hindi naman nagbago na magaling pa ring writer si West. Hay. Baliw na ako.

Hindi ko alam, pero I really have to vent this out. Lakas loob akong nag-compose ng isang maikling mensahe.

Nishi_Ishin kilala na kita. Si Ella to, classmate mo. Alam kong ikaw si West Hansen.

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon