Hindi ako mapakali sa pwesto ko habang nililibot ang tingin dito sa pinuntahan namin ni West matapos niya akong yakapin.
Hindi pa nga ako nakaka-move on sa ginawa niya tapos gugulatin na naman niya ako. Akala ko naman no'ng sinabi niyang tambay kami, sa kung saan-saan lang like sa mall o sa malapit na tindahan ng street foods. Hindi naman ako na-orient na sa coffeeshop ang gusto niya!
Shit, parang ang mahal dito. Bente lang dala ko, paano ako o-order? Tubig lang?
Parang gusto ko siyang hilahin dito palabas ng coffeeshop, ni hindi ko nakita yung name nitong lugar sa sobrang kalutangan ko. Parang ngayon ko lang 'to nakita. First time ko lang naman kasi makapasok sa ganitong lugar. Bongga pala, tapos amoy coffee pa. Hapon na pero marami-rami pa rin yung mga nandito pero hindi cramped ang dating. Ang spacious kasi. Relaxing din yung music kahit instrumental lang iyon ng piano and violin.
Mataas yung kisame nito tapos yung ceiling lights na gamit ang cute-cute, parang ang vintage sa feeling. Hindi masakit sa mata. May bar stool din na malapit dito sa pwesto namin. Hindi ko lang masyado mabasa yung menu na nandoon. Nako po, lagot talaga ako kay Mama, lumalabo na yata paningin ko.
"You okay?"
Para akong tanga na nagulat nang bigla siyang magsalita after a while. West naman, eh, why you like that?
"Ano, hindi ba mahal dito?" Alinlangan na tanong ko. "Ano kasi..." Awkward na tumawa ako. "Bente lang dala ko, pramis! Pwede ba rito maghugas ng plato kapag walang pambayad?"
Natawa siya. "Wala rin akong pera."
"Huh?" Nanlaki ang mata ko. "Eh, bakit dito tayo?"
"Mas tahimik dito."
"Hindi tayo o-order?"
"O-order." Nangingiti siya kahit na dapat kabahan na kami dahil baka paalisin na lang kami bigla. Wait, paano nga o-order kung walang pera! Nakakaloka ka, West! "What do you want?"
Napailing ako. "Wait lang—"
"Right, you don't know yet what they offer here." Nawiwindang ako lalo na't bigla siyang nag-English, hindi prepared yung braincells ko. Lalo akong na-tense nang tumayo siya. "I'll be right back, order lang ako. You're good with desserts?"
"Siyempre. Masarap 'yon, eh."
"Coffee?"
"Huwag lang yung puro. Hindi ko kaya mapait."
"I see."
Napatungo ako sa table nang makaalis siya. At dahil sa nauto niya akong sagutin lahat ng tanong niya. Oh, my gosh. Sabi niya wala siyang pera? Pinagti-trip-an niya lang yata ako, eh.
Pang-asar din talaga siya. Libre niya kaya yung order? Sana naman, aware naman siyang bente nga lang ang dala ko. O kung hindi man, sige babayaran ko na lang susunod. Saktong pamasahe ko na 'to pauwi, eh.
Bumalik siya na may dala-dala nga. Inabot niya yung akin—coffee at—ang sorop—slice ng cake. Velvet cake pa nga yata. Wait, mahal 'to, 'di ba? Ang laki yata ng magiging utang ko. Parang gusto ko tuloy tipirin para may kainin pa ako pag-uwi kaso naman, isang slice? Hanggang esophagus ko lang 'to.
"Eat, Ella." Sabi bigla ni West. Saka ko lang napansin na black coffee lang ang meron siya. Nako, baka wala na siyang pera kaya 'yon na lang sa kanya? Nagi-guilty tuloy ako. "It's on me. Don't worry."
"G-gusto mo hati na lang tayo rito sa cake?"
Umiling siya. "Ayos na ako sa kape."
"Eh, wala ka nang pera, 'di ba? Nakaka-guilty kung akin lang 'to."
BINABASA MO ANG
Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nishi_Ishin ang ideal guy ni Ella. Hindi naman talaga niya ito kilala pero pakiramdam niya ay kasing fla...