Chapter 10

6.3K 434 24
                                    

Tulad ng na-predict ko ay halos hindi nga kami makapag-usap ni West dahil kay Valeen. Hindi naman ako naiinis o kung ano man, natutuwa pa nga ako dahil halatang ang saya-saya ng best friend ko, hindi rin obvious na crush na crush niya yung tao. Nakakaloka 'tong babaeng 'to.

Nasa gitna nila akong dalawa, nakakapit si Val sa braso ko samantalang katabi ko lang sa kabila si West dala yung mga binili niya. Maya't maya siya kung lumingon sa akin kaya nagugulat na lang ako kapag ngumingiti siya.

"Hindi mo ba nakikita, West my friend, look-a-like ni Ella si Jollibee—aray naman!" Napangiwi si Valeen nang kurutin ko siya sa tagiliran. Narinig ko pa yung mahinang tawa ni West dahil sa ginawa ko. "Kapag ako nagkapasa!"

"Edi mabuti!" sagot ko. Sa lahat talaga ng ikukuwento yung mga ganoon pa. Hindi naman gano'n kalaki pisngi ko, medyo fluffy lang talaga.

"You two are really close." Sabi ni West. Natigilan ako nang dahan-dahan siyang kumapit sa braso ko. Nahihiya ako na hindi ko maintindihan. Siguro kasi girl crush ko na rin siya kaya ganito na lang kumabog ang dibdib ko.

"Oo naman," pagsang-ayon ni Val sa kanya. "Sa sobrang close namin papasa na kaming magkapatid."

"Hmm, medyo." Nanunuksong tugon ko. Napangiwi ako nang ako naman ang kurutin niya sa tagiliran. "Ang sakit!"

"Laman mo, Ella girl, diet ka."

"Hindi naman ako malaman masyado, ah?" Sabi naman ni Mimi bata pa ako kaya okay lang yung ganito.

"Joke lang," Tumawa siya ng medyo malakas bago ako akbayan. Bumitaw sa akin si West kaya napalingon ako sa kanya, tinaas niya ang dalawang kilay ng dalawang beses. "Cute ka naman, eh. Jollibee style."

"Val!"

"Biro lang!"

Nahinto kami sa paglalakad nang makarating sa Quantum. Para namang na-hyper itong si Valeen at nagtatalong sa tabi ko. Napailing ako at kusang napalingon kay West, may tipid na ngiti siya sa labi. Napapaisip tuloy ako kung naiingayan siya sa kaibigan ko o ano kasi wala rin naman siyang sinasabi. Lumapit ako sa kanya ng kaunti.

"Ayos ka lang naman?" mahinang bulong ko sa bandang tainga niya. Tumango naman siya. "Sure?"

"Nag-e-enjoy ako."

"Ella my friend, halika na!"

Hindi ko na lang pinuna pa kung paanong nag-e-enjoy si West. Hindi naman kasi siya masyadong nakibo, eh. Pa-smile-smile lang, kaunting side comment, iyon na 'yon.

Papasok na sana kami sa loob dahil panay hila na sa akin si Valeen nang ma-caught off guard kaming parehas dahil may kung sinong biglang yumapos sa likuran ni West. Sa lakas ng pwersa no'n ay napa-move forward siya.

"Baby!"

Kumunot ang noo ko sa biglang ganap ngayon. Pagtingin ko kay Valeen ay mas masama pa yata ang tingin niya doon sa yumapos kay West. Ngumuso siya at kumapit sa braso ko. "Anong baby? Anong baby? Baby ko si West kaya."

"Jowa mo ba?" Natatawang tanong ko kay Valeen kasi halatang naiinggit siya.

"Hindi niya lang alam."

"Sabihin ko?" Nang-aasar kong suggestion pero kinurot na naman niya ako sa tagiliran kaya napaaray na lang ako. Nakakasakit talaga 'tong si Valeen. Kagigil!

"Sira, huwag!"

Sa wakas ay tumingin na rin sila sa amin. Walang imik na inalis ni West yung kamay no'ng babae na nakayapos sa bandang balikat niya. No'n ko lang napansin na mas matangkad pa si West doon sa babae, feeling ko nga mas matangkad din ako sa kanya.

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon